Part 7

6.7K 204 14
                                    

"LITERAL na nag-Baguio lang tayo para magpalamig at matulog," si Roxan kay Rav pagkaupo nila pareho sa backseat. Lalabas sila kasama si Manong Bong para mag-early dinner. Mga past six PM na nang sandaling iyon. Ang balak nilang nap, naging mahabang tulog. Kung ang pagod sa biyahe o ang masarap na lamig ang dahilan kaya tinamad na sila parehong bumangon, hindi na gustong alamin ni Roxan. Hindi lang naman siya ang tinamad, pati si Rav, halatang mas gustong magbabad sa kama kaysa lumabas.

"And eat a lot," dagdag ni Rav, napapangiti. "Early tomorrow, sa La Trinidad tayo."

"Ngayon, sa'n tayo?"

"May gusto ka bang puntahan?" tanong nito. Sa totoo lang, hindi na gusto ni Roxan na maglibot after dinner. Hindi lang iisang beses na nag-stay siya ng ilang araw sa Baguio. Napasyalan na niya ang mga pamilyar na lugar. Ang sadya lang naman talaga niya kaya pumayag siya na umakyat silang Baguio—fresh strawberries.

"Wala," sagot ni Roxan. "Kung ikaw meron, go tayo!"

"Gala o tulog?"

Ngumisi siya. "Tulog!"

"Pillow or me?"

"Both."

"Kiss or hug?"

"Hug."

Umusad na ang kotse palabas ng bakuran ng rest house. Binanggit ni Rav kay Manong Bong ang pupuntahan nilang restaurant. Sumandal ito sa backrest pagkatapos at itinuloy ang ala fast talk na tanungan. Nabagot na yata na nakaupo lang sila sa backset.

"Money or fame?"

"Money!"

"Money or love?"

"Love!"

"Flowers or foods?"

"Foods!"

"Cakes or chocolates?"

"Cakes!"

"Chocolates or me?"

"Chocolates!"

"Chocolates or me?"

"Me!"

Tawanan sila.

"Bed or beach?"

Bumaling si Roxan kay Rav. "Ano muna'ng gagawin sa beach or bed?" seryosong tanong niya. "Matutulog o magse-sex?"

Buong-buo ang tunog ng tawa ni Rav. "Hindi puwedeng sabihin. Naririnig ni Manong Bong." Ang lapad pa rin ng ngisi nito. Natawa na rin lang si Roxan nang sumagot ang nanahimik na driver nila.

"Wala naman akong narinig, Sir."

Ilang segundo niyang sinulyapan si Rav. Parang ang gaan ng mood nito. Hindi nabubura ang ngiti kahit nakatingin na sa labas ng bintana. Nababagot din naman si Roxan kaya sinakyan na ang trip ng kaibigan.

"Bed muna," at magaang tumawa. "Then beach!" Nakatingin na rin siya sa labas ng bintana, natatawa pa rin.

"Sunrise or sunset?" si Rav uli.

"Sunrise sa bed. Sunset sa beach!"

Tumawa na naman si Rav. Mas lumapad ang ngiti ni Roxan pero nasa labas ng bintana pa rin ang tingin niya. Na-realize ng dalaga, gusto niya ang tunog ng tawa nito.

"Hard and fast or gentle and slow?"

"Hard and fast sa bed, gentle and slow sa beach?"

Tawa na sila nang tawa nang mga sumunod na segundo.

"Baliw ka, Rav!"

"Strawberries or me?"

"Strawberries!"

"Cruel bride."

"Ha-ha!"

"Cedric or me?"

"You!"

Biglang katahimikan.

Katahimikan na humaba at parang naging awkward. Pareho sila ni Rav na nakatingin lang sa labas ng bintana. Na-realize ni Roxan, sumagot siya nang hindi nag-isip pero kung tatanungin siya uli, pareho pa rin ang isasagot niya.

Inilabas na lang ni Roxan ang cell phone para mag-selfie—paraan niya para burahin ang tension na parang nasa backseat na bigla.

"Smile ka, Rav. Magpo-post pala ako sa FB," sabi ni Roxan at itinaas ang kamay na may hawak na cell phone. Bumaling naman si Rav, pa-cute na ngumiti at nag-wink. "Ita-tag kita, okay lang? Walang mag-aamok na young girls?"

"Marami," ngisi nito, kaswal na kinabig palapit ang katawan niya. Naramdaman ni Roxan sa ibabaw ng ulo ang chin nito. "Be sure to choose the perfect shot, bride," ang idinugtong ni Rav. "Ipapakita 'yan ni Rod kina Mom," saka magaang tumawa.

"Okay, groom," at sunod-sunod na ang click ng phone camera. Sunod-sunod ang pagkuha niya ng picture habang si Rav, nag-eenjoy sa role ng isang sweet fiancé sa harap ng camera.

Nasa restaurant na sila nang i-post ni Roxan ang napili niyang picture—ngiting ngiti sila ni Rav, nakayakap sa baywang niya ang isang braso nito, ang isa pa ay nakapaikot naman sa pagitan ng dibdib at balikat niya. Kitang kita sa picture na comfortable na comfortable siyang nakasandal sa katawan nito.

Ang caption na inilagay ni Roxan:

Cold weather and warm hug...

#perfectcombination

Napapangiti siya habang nakatitig sa sunod sunod na notifications. Hindi lang para sa mga atat ng updates sa lovelife niya ang post. Hindi rin lang para sa chikadorang si Fanny na alam niyang agad agad ipapaabot sa tropa nito. Ang posted photo na iyon at ang mga susunod pa ay para sa kanya mismo—para sa iniipon niyang maraming magandang alaala kasama si Rav.

Mga pictures at mga alaalang maiiwan sa kanya pagkaalis nito...

Roxan And Rav PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon