June 2016
NAGPIPIGIL ng tawa si Roxan. Past ten PM, nakahiga siya sa kama at nakaharap sa puwesto ni Rav sa sahig. Nakaupo naman at nakasandal sa gilid ng kama niya ang lalaki, kausap ang pamilya nito. Base sa naririnig niyang sinasabi ng lalaki, nagtatanong na ang pamilya nito tungkol sa relasyon nila. Kasalanan niya talaga, puno ba naman ng pictures nila ang timeline niya!
Pero si Rav, hindi pa gustong sabihin sa pamilya ang lahat. Kailangan daw muna nila maging sweet at mukhang in love o masesermon sila ng Mommy nito na malalim ang paniniwala sa kasal. Pabor ang kaibigan sa mga posted pictures nila. Huwag lang daw masyadong sunud-sunod ang pagpo-post o magmumukhang fake na. Mas madalas ang mga ganoong relasyon daw sa Facebook ay sa 'Facebook lang' talaga nag-e-exist.
Ang sumunod niyang narinig ay sinasabi na ni Rav sa kausap na engage na sila at naka-set na ang date ng kasal sa December. Pigil niyang tumawa nang inilayo nito sa tainga ang cell phone—nagsesermon yata ang kausap sa kabilang linya.
"Mom, mag-eexplain po ako sa birthday n'yo," ang sumunod nitong sinabi. "I love you, Mom. Bye na." at parang pagod na mandirigma na nawalan ng lakas. Bumulagta na lang sa latag sa sahig at natulala.
Natatawang tinapunan ni Roxan ng isang unan ang kaibigan.
"Na-shock ba si Tita Ver sa news?"
"Hindi daw tama na mas nauna pang nakaalam si Mark Zuckerberg kaysa sa kanila ni Dad. Maghihintay sila ng paliwanag," bumaling ito sa kanya, napapangiti. "Lagot na tayo, bebe ko."
Natawa si Roxan. "Dapat ba hindi ako nag-post?"
"Guwapo naman ako sa mga posted photos mo kaya okay sa akin," nginisihan siya nito. "Next week, ako naman ang magpo-post. Video call sa birthday ni Mom."
"Wala ka namang pictures ko, eh. Pa'no ka magpo-post?"
"May ilang days pa ako para mag-ipon ng photos," si Rav at bumangon. Bumalik ito sa pagkakasandal sa gilid ng kama niya. Inabot ang cell phone at naghanap ng magandang angle—photobomber siya.
"Hug naman diyan, bebe ko!" ngisi nito, iniiikot ang hawak na phone para maghanap ng magandang angle. Huminto ang kamay nito sa bandang kanan. Kuha ang mukha ni Rav hanggang balikat. Lumapit si Roxan sa likuran nito, pinaikot ang isang braso sa balikat ng lalaki at ngumiti.
Click ng camera phone ang sumunod. "Mga five shots pa," sabi ni Rav at gumalaw ang kamay. Kanan, kaliwa, gitna—nag-emote naman siya sa likuran nito. Pangiti-ngiti, pa-wink-wink at pa-peace-peace. Sunod-sunod ang kuha ni Rav. Hindi pa na-kontento, lumipat ito sa kama niya. Pinagkasya nila ang mga sarili, walang kuha na hindi sila nakatawa. Mas marami ang wacky shots.
"Good night na," si Rav pagkatapos ng huling click. Bumaling sa kanya at hinalikan siya sa noo. Umalis na ito sa kama, tinungo ang switch ng ilaw at pinatay. Binuksan naman ni Roxan ang lampshade.
Humiga na si Rav sa latag sa sahig—at gaya ng ginagawa rin niya lagi, naglagay ng ear phones sa mga tainga bago pumikit.
Si Roxan naman, naka-set na sa repeat ang The Way You Look Tonight. Sa gabi-gabing ginagamit niyang pampatulog ang kanta, nai-imagine na niya ang slow dance nila ni Rav sa araw ng kasal nila.
Hinila niya ang kumot at tinakpan ang sarili—para itago ang ngiti...
-- end of preview --
BINABASA MO ANG
Roxan And Rav PREVIEW ONLY
RomancePublished. Copies are available (ebook and physical book) Note: This is just a WATTPAD VERSION. Unedited copy.