Part 6

7.3K 192 6
                                    

Note: Si Favio at Quiah sa story na ito ay same characters na nasa An Encounter To Love and Isang Rosas, Isang Pag-ibig Isang Ikaw (na naka post nang complete sa Wattpad account ng phr)

April 2016

"THANKS sa friend mong si Favio—na hindi ko pa nami-meet—hindi tayo matutulog sa kotse," si Roxan kay Rav. Nagpa-park na ng sasakyan si Manong Bong, kaibigan ni Manong Simo na laging driver ni Rav tuwing gusto nitong magpalamig sa Baguio. Si Manong Simo mismo ang nag-recommend sa kaibigang dating bus driver kay Rav. Hindi gusto ni Manong Simo na magmaneho papuntang Baguio. Mas maganda na raw ang naniniguro—driver na pamilyar sa way ang mas ligtas.

Biglaan ang biyaheng iyon papuntang Baguio. Nagte-tea lang sila ni Rav nang nagdaang gabi, naisip ni Roxan na parang masarap kumain ng fresh strawberries. Nag-suggest si Rav na pumunta silang Baguio. Pumayag agad siya nang hindi man lang nag-isip.

Four AM kinabukasan, nasa biyahe na sila papuntang Baguio. Pareho silang tulog sa backseat sa ilang oras na biyahe.

Pagdating sa Baguio, mga two hours silang naghanap ng hotel pero fully-booked ang mga choices nila. Saka na-realize ni Roxan, summer nga pala. Nag-suggest ng transient house si Roxan o kahit maliit na Inn basta may matulugan sila. Pero hindi gusto ni Rav mag-stay sa isang room na naririnig daw nila ang yabag sa stairs o ng naglalakad sa second floor. Gusto daw nito, tahimik na bakasyon. Room na walang nakaka-distract na tunog. Room na makakatulog sila nang mahimbing.

May tinawagan si Rav. Minutes later, nakangiting nag-announce ito na may matutuluyan na sila. Hindi lang room—buong rest house pa!

"Mami-meet mo si Fav sa wedding natin," ang sinabi ni Rav. "Isa siya sa groomsmen."

Napatingin siya rito. "Oo nga pala, 'yong list ng groomsmen, 'di mo pa senend sa akin?"

"Iniisip ko pa kung sino ang pipiliin ko sa tatlong volunteers," napapangiting sabi ni Rav. "Na hindi ako babalikan ng dalawa para saktan kapag tinanggal ko sila sa list."

"Bilisan mong mag-decide," sabi ni Roxan, nakababa na sila sa kotse at palapit na sa front door. Dalawang palapag ang rest house ni Favio at may roof deck. Sa tingin ni Roxan, wala pa sigurong three years ang bahay. Agaw-pansin ang green na mga halaman at magagandang bulaklak sa paligid. "Kailangan ko nang i-finalize ang list. Mas maaga natin ma-reserve ang venue sa date na gusto ko, mas okay. Baka marami tayong kasabay na event. Wala kang feedback sa month, date at church kaya in-assume ko nang okay sa 'yo?"

"Yes. Gusto kong sa Victoria church ikasal," si Rav habang ipinapasok sa keyhole ang susi na ibinigay sa kanila ng katiwala sa rest house. Nag-aabang sa labas ng gate si Mang Joaquin, tinawagan daw ni Favio para ibigay sa kanila ang susi. Stay-out pala ang matanda. Malapit lang daw ang bahay nito sa rest house. Sa gabi na daw ang balik nito para buksan ang mga ilaw at ilabas ang mga paso ng halaman na hinahayaan nitong madiligan ng hamog. "Private and solemn wedding rin..."

"Samahan mo akong kausapin si Father Jess," si Roxan uli. Parish priest ng Victoria ang binanggit niya. "Mga next week na siguro. Uuwi ako ng Victoria."

"Text mo na lang sa akin ang oras." Nabuksan na ni Rav ang pinto. Sumalubong sa mga mata niya ang magaang ambiance ng living room. Kaya pala hindi gusto ni Rav sa maliit na Inn lang. Dobleng mas masarap mag-spend ng 'lazy Sunday' sa ganoong bahay. Parang ang sarap rin magkuwentuhan ng nonsense topics sa sofa at...at mag-cuddle hanggang antukin.

Wala sa loob na napatingin si Roxan kay Rav. Hindi niya napigilang daanan ng tingin ang dibdib at mga braso nito. Napalunok si Roxan. Agad ipinilig ang ulo para itaboy ang naisip. Kailan pa siya nagsimulang mag-fantasize ng 'cuddling moment' kasama si Rav?

Hindi niya naiisip iyon dati!

Ngayon pa lang...

"Rav?" tawag ni Roxan, gusto niyang mag-shift agad ng topic. Itinuro ni Rav kay Manong Bong ang room na tutulugan nito sa bahay bago siya nilingon. Nakaupo na sa sofa si Roxan. Sumandal siya at tumingin sa itaas. "Sasabihin ba natin sa family mo na hindi talaga tayo totoong—"

"Hindi kailangan," sabi ni Rav. "Alam mo naman ang view ni Mom sa kasal," Umupo si Rav sa tabi niya. "Hayaan na lang natin na isipin nilang magpapakasal tayo sa mga tamang rason. Kung magtanong man, saka na lang natin sabihin ang totoo. Hindi ko rin naman gustong magsinungaling kina Dad at Mom."

"Iiwan mo ako months after ng wedding, Rav," sabi ni Roxan. "Paano mo ii-explain kita Tita Ver at Tito Mon 'yon kung hindi natin sasabihin ang totoo?"

"No worries," sumandal din ito sa backrest at pumikit. "I'll take care of it. Ano'ng gusto mong gawin ngayon?"

"Matulog muna," inabot niya ang katabing throw pillow at niyakap. "Ang lamig, eh. Saan ang room ko?"

"Sa taas. Isang room lang ang puwedeng buksan. Home office ang isang room at ang isa pa, room na dating ino-occupy ni Quiah. Hindi gustong ipagalaw ni Fav."

"Ex-girlfriend?"

"Good friend."

"Good friend?"

"The girl who got away..."

Napadilat si Roxan, tumingin kay Rav. Nakasandal sa backrest ang kaibigan. Nakatingala at nakapikit, nahuli pa niya ang ngiti.

"May interesting na story ba sa rest house na 'to?"

"'Wag mong itanong, hindi ko alam ang details."

"Pero meron?"

"Quiah and Fav are best of friends..."

"And?"

"Fav loves her. The end." Tumayo na si Rav, hinawakan siya sa kamay, ibinangon at hinila paakyat sa second floor. "Nap muna tayo."

Pagdating sa kuwarto, kanya-kanya silang bagsak ng mga sarili sa kama. Nagka-agawan pa sila ng unan. Nang makuha ni Rav ang unan niya, parang gusto ni Roxan na ang lalaki na ang i-cuddle.

"Ba't sa 'yo na lahat? Tig-isa tayo, Rav!" pinilit niyang agawin ang unan na mahigpit nitong yakap. "Cuddle mo 'yang nasa ulo mo, unan ko 'yong isa, eh!" Pero mas hinigpitan nito ang unan na inagaw sa kanya. Mas isinubsob pa ang mukha.

"Ang daya nito," reklamo ni Roxan at hinila na lang ang comforter; kinumutan ang sarili. Tinalikuran na niya ang lalaki. Pero dahil higit sa lima ang unan na nasa kama niya sa bahay—hindi kasi siya makatulog nang walang niyayayakap, humirit pa rin si Roxan. "Ang lamig, Rav. Akin na 'yang isa! Sige na, oh? Ang unfair mo! Paano ako magna-nap? Hindi ako makatulog nang walang naha-hug na—" nasa tapat na ng mukha niya ang unan na inagaw nito.

Napangiti si Roxan, inabot ang unan at agad niyakap.

Hindi na umimik si Rav, inayos lang ang sarili para ma-cover sila pareho ng comforter.

Roxan And Rav PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon