There are times na takot tayong magdesisyon, yet we know na mali na magstay pa tayo sa isang napaka toxic na relasyon. Alam na natin na may mali,alam na natin na sobra na tayong ginagago at sobra na tayong nasasaktan,but we still stand as strong as we can , paulit ulit nating pinipili yung mahal natin wala e likas na satin na magpakamartir at magpakatanga i won't judge you guys minsan na din akong dumaan sa ganyang sitwasyon. Masaya diba ? Alam na natin na may gap na sa relasyong nating dalawa pero umaasa pa din tayo sa kaunting hopes na "kaya pa to its not too late para ayusin ang lahat", but i would like to ask you , narinig mo ba sa kanya yan ? Na gusto din ba nya na maayos ? Let say na sinabi nya sayo na gusto nyang maayos ang lahat but have you seen any progress ? Especially girls, nakita mo bang nag exert sya ng effort ?Minsan kaya tayo nasasaktan kasi patuloy nating pinaniniwalaan yung mali, tayo mismo kinukunsinti natin ang kamalian , Yes i know when your broken andun ka sa point na puro na lang "Bakit?" , Bakit parang hindi pa din sapat lahat ng ginagawa mo just to keep your relationship works. Alam mo kasi dear relationship is for a TWO person , dalawang tao ang dapat na nagtatrabaho para mag work , if you'll work alone nothing will happen dear . Kung ikaw na lang ang kumakapit you need COURAGE.
Courage hindi para sa relasyon nyo, lalong hindi para sa karelasyon mo, you need a courage for yourself . What i have learned in life is bago tayo magmahal ng iba dapat matutunan nating mahalin ang sarili natin, yun yung mali kasi natin kapag nagmamahal tayo sa sobrang inlove lahat na ng pagmamahal binibigay natin sa partner natin to the point na wala na tayong natitirang pagmamahal sa sarili natin, irespeto natin ang sarili natin isipin din sana natin ang sarili natin matutunan sana muna natin na ivalue ang sarili natin, ang nagiging result kasi kapag inlove tayo invest tayo ng invest ng feelings sa mga jowa natin eh ang tanong may na gain/nainvest ka ba para sa sarili mo ? Kakabigay natin ng pagmamahal wala na tayong natira sa sarili natin minsan pa sobra na nga yung binigay natin para sa kanila kulang pa din wala ka pang sukling nakuha.
SARILI muna natin bago ang iba, oo alam ko iniisip mo na ang hirap, ang hirap i let go nung inalagaan mong relasyon, But hey hindi naman ibig sabihin na magpapahinga ka is itatapon mo na lahat ng pinagsamahan nyo baka kailangan lang na magkahiwalay muna kayo para maging matatag kayo as individual at makilala natin ang ating mga sarili natin, kung kayo,kayo talaga. Pero kung sa ngayon at puro problema na at hindi na kayo nagkakaintindihan at pakiramdam mo na ikaw na lang ang gumagawa ng paraan para maayos ang lahat magkaroon ka na ng paninidigan para sa sarili mo. Dear love doesn't hurt. People does. Baka din kasi kakasisi natin sa partner natin hindi natin alam na tayo mismo sa sarili natin ay may mali.
Kung dumating yung araw na okay na kayo as individual alam nyo na handa na kayo muli edi sige go hindi ko inaalis yung hopes sa inyo malay nyo kayo pala talaga till the end kailangan lang talaga magpahinga diba ganun naman talaga once napagod pahinga lang pag nagain na ulit ang energy edi sge go ulit.
Everything always happens for a reason. Masarap mabuhay ng walang iniisip na problema, kapag sobrang toxic na ng sitwasyon have some rest , inhale all the positivity and exhale all the negative vibes . Especially sa mga teens dyan enjoy your life guys when you reach adulthood mas madami pang bagay na nakakastress kaysa sa away mag jowa 😉 fighting !
Ctto of photo 🤘
