After mo magkaron ng courage na ayusin muna ang sarili mo , it's time naman para buksan mo ang sarili mo sa mas malawak na mundo , expand yourself dear. Ang sarap sa pakiramdam na nageexpand yung environment na ginagalawan mo ibat ibat tao ang nakakasalamuha mo ang saya na ang lahat ng yun ay makakasundo mo,meron ka pang bagong makikilalang kaibigan na tulad mo may pinagdaanan din masasabi mo na "hindi pala ako nag iisa" . Yung at the same time may matutunan ka din sa pinagdaanan nya.Huwag kang matakot kasi hindi lahat ng tao sasaktan ka katulad ng ginawa nya sayo, hindi lahat ng nakapaligid sayo ay gusto kang makita na umiiyak at nahihirapan. Let me share you my experience at first sobrang natakot ako na mag let go kasi how ? Sobrang minahal ko yung taong yun, it was about 3 weeks na walang tigil sa pag iyak tuwing gabi yung mag isa ako sa bahay bigla na lang ako matutulala at maiiyak tinatanong ko ang sarili ko bakit nagawa nya ako ipagpalit sa iba ? May mali ba sakin ? Pero sobrang nagpapasalamat ako sa mga taong hindi nagsawa sakin ng mga panahon na yun , they will comfort me and say na "tama na yan wag ka na umiyak" . And dun ko narealized na " Bakit ba ako umiiyak para sa isang tao ? , eh napakarami kong kaibigan at alam ko na may isa mang nawala may dadating na mas madami pang kaibigan at may dadating na tamang lalaki na hindi ako sasaktan" . Okay admit natin na sa pag ibig kasama na dun yung masaktan pero dear remember this "Kung yung sakit na nararamdaman mo is dahil sa ginagawa ng partner mo yun ang hindi parte ng pag-ibig kasi una sa lahat bakit ka niligawan kung sasaktan ka lang ? , siguro isang halimbawa ng sakit na parte ng relasyon is LDR mga ganung bagay, pero ang masaktan ka sa kagagaguhan ng partner mo dear Gumising ka na"
I.treasure natin yung mga taong nanatili satin through ups and down sila yung dapat na mas pinagtutuunan natin ng pansin yung mga taong nang iwan satin pabayaan na natin kasi choice nila yun,stop wasting your time and effort for someone na hindi magawang pahalagahan ang isang katulad mo. At kung may dadating na bago huwag kang matakot kasi hindi lahat gusto kang saktan. Pero this time mas maging matalino tayo . Yun kasi yung nagiging mali natin pag nagmamahal tayo nakakalimutan natin gamitin ang utak natin puro na lang puso . Puro na lang emosyon yung pinapagana natin ,hindi maling magmahal walang masama sa pagmamahal siguro ang mali lang is yung way natin , nakakalimutan kasi natin ang sarili natin kapag inlove tayo .
" Hindi lahat ng tao ay gusto kang saktan " paulit ulit kong sasabihin sa inyo yan kaya yung mga taong kapiling natin at mga taong dumadating sa buhay natin huwag nating husgahan gusto mo ba na ganyan din ang isipin nila sayo diba hindi ? . Matuto tayong mas lawakan ang pag iisip natin at buksan natin ang puso natin. Okay ? SMILE KA NA HA 😊😊😊
PS : Ctto of cover photo
PPS : wag puro basa follow nyo din at ishare hehehez ❤
