Ang sarap sa pakiramdam ng inlove alam nyo yang lahat :) andun yung kilig tuwing nakikita mo sya , kitang kita sa mga mata natin kung gaano tayo kasaya sa piling nung taong pinili natin, ibang iba yung glow e especially girls tapos babanatan ka ng malulupit na pick up lines , being inlove are one of the best experience. Yung alam mo na through the happiest moment and even to the darkest moment andyan sya upang damayan ka.Pero andun yung sakit kapag naisip mo na shet pag iniwan ako ng taong to makakatawa pa kaya ako ng ganito ? Kasi kapag nasa isang relasyon tayo ang totoo naman nyan hindi palaging masaya, madaming tampuhan at hindi pagkakaunawaan minsan matira matibay na lang talaga. May nakapagsabi sakin na "kapag nasimulan na ng away tuloy tuloy na yan hanggang sa magkahiwalay", half of me na sumasangyon base sa experience ko minsan pati yung pinakamaliit na bagay pinag aawayan namin dahil sa totoo lang kung ano pa yung pinakamaliit na bagay yun pa yung pinakamasakit, and half of me na hindi sumasangayon sa ganung concept kasi if you truly love someone you will always find a way to win her/him back , hindi mo hahayaan ang isang gabi na matutulog kayo na may sama ng loob sa isat isa , hindi mo hahayaan na tumagal ng ilang araw pa ang tampuhan kasi mahal mo at ganun mo sya sobrang pinahahalagahan.Pero siguro ganun talaga ang buhay mayroong mga taong takot sumubok imbes na lumaban sige let go na kasi yung iba naniniwala na ang love hindi lang naman about staying minsan kailangan din natin sumurrender or sumuko na lang dahil sa tingin natin mas mainam na ilet go ang isat isa kaysa mag stay at patuloy na saktan ang damdamin ng isat isa.
And we fail, yung taong inaakala natin na makakasama na natin sa habangbuhay ay hindi pala. Minsan kakapit na lang tayo sa "kung tayo tayo talaga", and daming uri ng break up e , merong dahil sa third party , nagkasawaan at ang pinakamasakit sa lahat yung parehas nyo na lang naging choice alam nyo na mahal nyo pa ang isat isa pero sa hirap ng sitwasyon pinili nyo na lang ilet go ang isat isa . Aasa na lang kayo na someday kapag tama na ang lahat at andun pa din ang love nyo sa isat isa magkakabalikan kayo. Para bang WE HAVE THE RIGHT LOVE AT THE WRONG TIME, siguro kaya ko nasasabi ang mga bagay na ito dahil sa nangyari during my graduation last tuesday , I was really happy that time thou sige sabihin na natin na andun yung thought ko na "sabi namin dati isa sya sa magiging audience ko sa graduation ko pero wala sya ngayon" pero okay lang kasi ganun talaga ang buhay hindi lahat ng makikilala natin ay willing mag stay , but i have no any idea na he was there during my graduation and he was silently watching , ano yung naramdaman ko ? Una ang sakit kasi sana lumapit sya sakin nagpakita sana sya sakin pero naisip ko din na siguro pinangunahan sya ng takot na akala nya siguro ipagtatabuyan ko sya pangalawa masaya ako kasi kahit na wala na kami at hindi naging maganda ang paghihiwalay namin noon tinupad nya yung pangako nya na isa sya sa magiging audience ko sa biggest achievement ko. Come what may , kung ano pang mga mangyayari hayaan na lang mangyari . Mahal nya pa ba ako ? Hindi ko alam . Bakit hindi namin bigyan ng chance ? Siguro dahil hindi pa ito yung tamang panahon ? Ewan natin . Pero sa ngayon alam ko sa sarili ko kung ano yung bagay na dapat ko mas pagtuunan ng pansin yun yung masuklian naman lahat ng sakripisyo ng pamilya ko ngayon tapos na ako sa aking kurso.
We'll rise, huwag natin hayaan na mastock ang mga sarili natin sa isang sitwasyon na alam natin na masasaktan lang tayo we always have the CHOICE, minsan ang mali natin patuloy natin sinisisi sa ibang tao kung bakit tayo nasasaktan hindi natin alam na tayo na mismo ang nakakasakit sa sarili natin kasi pinili nating masaktan dalawa lang naman yan e GO or STAY . GO to the happiness or STAY sa isang mapanakit na sitwasyon . Hindi mundo ang mag aadjust sayo , matuto kang manindigan sa sarili mo kahit na anong hirap ng sitwasyon dapat tuloy tuloy lang tayo sa buhay , we are the author of our own life i believe ha wala namang tao na ang gusto e habangbuhay masaktan , lahat tayo gusto ng buhay na masaya . Mangyayari lang yun kung ikaw mismo sa sarili mo ang kikilos.
Naniniwala ako na lahat ng pinagdaanan natin at pinagdadaanan pa natin ma oovercome din natin ang lahat ng sakit hirap at pagod. One day gigising tayo na magaan ang pakiramdam walang heartaches na iniinda and we'll say "i made it"
PS : WELCOME BACK SORRY MEJ MATAGAL 😂
PPS : "Those people who quit never wins and winner never quit" Something i got during our baccalaureate mass 😊
