Hindi ko nilalahat pero yung ibang lalaki ang galing mang gago 😂 yun tipong makikipag flirt sa iba tapos siguro hindi naging successful babalik sayo , yung mala 3 pages yellow pad back to back ang drama to ask another chance . Yan ganyan sila minsan yung "Naguluhan lang ako noon hindi ko sinasadya na masaktan kita narealized ko na ikaw talaga ang mahal ko just give me another chance magsisimula ulit tayong dalawa " , dapat nung time na naguguluhan kayo humarap kayo sa salamin kinausap nyo muna sarili nyo kung mahal nyo ba talaga kami hindi yung naghanap agad kayo ng kalandian tapos ano pag fail babalik ?And Really ? Babalik sila kung kailan unti unti nabubuo na muli natin ang ating sarili , kung kailan alam na natin yung gusto nating gawin at unti unti tayong nagsusumikap abutin ang pangarap natin ? Pagkatapos nilang hayaang lumipas ang lahat ng araw at wala man lang silang ginawang paraan para man lang suyuin ka ? Wala kayo sa grocery na kapag iniwan ang gamit e basta basta na lang babalikan at kukunin .YOU ALREADY HAVE THE DIAMONDS BUT YOU CHOOSE TO HAVE A STONE , so sorry 😉
Everyone deserve a second chance , PERO HINDI LAHAT ! dipende yan sa sitwasyon, pero kung ganiyang ang sitwasyon tulad ng tinutukoy ko sorry ha pero sa tingin ko TANGA na lang ang magbibigay ng chance . Am i being mean ? Sorry pero seryoso ka ? Pagkatapos ng lahat ? Matapos lahat ng gabi ng iyak ka ng iyak ? Hindi ka pa ba natututo ? Parte ng relasyon ang masaktan pero yung paulit ulit kang masaktan dahil sa iisang dahilan maling mali na yun.
Ngayon na natututunan muna muling tumawa, eh paano kung tanggapin mo ulit sya ? Tapos ginawa nya ulit sayo ? Edi guho na naman mundo mo, magsisimula ka na naman . Andyan ka na e nasimulan mo nang ayusin ang sarili mo ngayon ka pa bibigay ? . There is a bigger world waiting for you, at sa mundong yun marami ka pang makikilala , it not necessarily means na kapag hindi kayo nagkabalikan eh guguho ang mundo, no dear maganda ka, matalino at mabuting tao you deserve someone better.
Diba kaya ka nga nagkaron ng courage na i let go dahil para sarili mo naman ang pahalagahan mo. Diba kaya pinili mo mamuhay with the positive things kasi alam mo na ngayon na mas madami pang magagandang bagay ang pwedeng dumating sayo, at kaya mo sinusunod yung passion mo kasi narealize mo na hindi lang sya ang pwedeng mag dulot ng saya sayo. Kaya ka nandyan ngayon kasi nakita mo na ang tunay mong halaga .
Let me share you something.
"Ma sorry hindi ako nakinig sayo tama ka , sinaktan nya lang ako"
- i was expecting na pagalitan nya ako na sabihan nya ayan sinabi ko na sayo na huwag sya blah blah blah instead eto yung sinabi nya sakin.
"Mahalaga ka samin at mahal na mahal ka namin ayoko na nasasaktan ka, sa susunod na magmahal ka muli piliin mo yung taong MAS mahal ka kaysa ikaw ang mas magmamahal dahil babae ka tingnan mo ang iyong halaga" , and that night i saw myself smiling yes kasi narealized ko na oo nga no totoo na mother really knows the best for her child, and isa pa totoo yun dapat bilang babae piliin natin yung lalaking mas mahal tayo kasi prinsesa tayo kung ituring ng pamilya natin hahayaan mo ba na basta ka na lang sasaktan ng ibang tao ? .Tulad ng sinabi ko kanina hindi ko naman nilalahat ang mga lalaki, and kahit dun sa mga lalaking once ng nanggago ng jowa nila i won't judge you guys alam ko na may dahilan kayo and kung ano man yun okay :) . We girls inaadmit naman namin na kung minsan yung toyo namin basta basta na lang umaatake baka yun isa sa dahilan nyo. And well sorry sa ganung attitude namin 😉
Siguro palagi nyong naririnig or nababasa is "Wait for the right person", iba naman ang sasabihin ko "DO NOT WAIT FOR THE RIGHT PERSON, WE ON OUR VERY SELVES MUST BE THE RIGHT PERSON" , alam nyo kasi may dahilan naman ang lahat baka kaya hindi kayo nagkatuluyan till the end is hindi pa siya ang nilaan sayo ni Lord . Sa ngayon ikaw mismo sa sarili mo maging right person ka para once na ready ka na at buo ka na isang araw baka bukas makasalubong mo or makasabay mo sa jeep ang nakalaan para sayo.
Ayusin muna natin ang ating mga sarili, especially sa mga kabataan na nag aaral pa lang , GRADES muna ang habulin natin wag muna si crush pay back muna tayo kay mommy and daddy . Okay ? Okay !
Ps : Ctto of the cover photo
Pps : i am still shoookt na may nagbabasa nito ..thank you guys ❤😍
Pps : busy lola nyo bukas sa baccalaureate mass intay na lang kayo ng update . 😉
