Sa buhay walang replay na kapag may mali kang desisyon ay pwede ireplay para itama mo yung pagkakamali mo walang pause sa buhay na kapag pasuko ka na teka hinto muna ang oras wala ka sa pelikula kahit na ilang beses kang madapa at masaktan ang mundo patuloy iikot yan kailangan mong maging matatag dahil kahit kailanman hindi mag aadjust sayo ang mundo at sasabihin na teka stop muna tayo sa pagrotate kasi pagod na sya walang ganun.May napanuod akong isang kdrama na ang title is Go Back Couple, tungkol sya sa isang mag asawa na bigla na lang isang araw nagsabi ang babae na mag divorce na silang dalawa. Ang sabi nung babae dahil sa hindi na sya masaya hindi na sila masayang dalawa, and then sumang ayon na lang yung lalaki pumayag sya na makipagdivorce .
Sobrang swerte nilang dalawa dahil nabigyan sila ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan , kung saan doon nila narealize yung mga pagkakamali nila and how they really admire each other .Pero huwag kayong hopia alam nyong napaka imposible nun na babalik tayo sa pagkabata or sa nakaraan para ayusin lahat ng mga maling desisyon na nagawa natin noon, sa kdrama lang yun hindi sa totoong buhay pero isa lang ang alam ko ang "isang pagkakamali ay kailanman hindi maitatama ng isa pang pagkakamali" what im trying to say is if we keep on repeating those wrong decisions or we keep choosing that wrong decisions kailanman hindi tayo makakapag move forward sa buhay .
If you are broken you don't have to stay broken palagi kang may choices A LOT OF CHOICES , imbes na yung pagmumukmok mo ay ginagamit mo yung oras na yun upang gumawa ng tama upang pasayahin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan kung pinanganak kang mahirap, kapag namatay kang mahirap kasalanan mo na yan. Rephrase natin Kasalanan nya kung bakit ka nasasaktan ngayon pero kung habangbuhay kang malungkot at magpapakalugmok ikaw na ang may kasalanan nyan sa sarili mo dahil pinili mong masaktan.
This may be a sad chapter but your whole life are not a sad story , part lang buhay na masaktan pero ang buong buhay mo hindi isang bangungot na dapat mong takbuhan, dahil kahit anong pilit mo hindi ka makakabalik sa nakaraan hindi ka makakabalik sa pagkabata ang kailangan mo tumayo at taas noo harapin lahat ng pagsubok ng nakangiti at may baong panalangin.
Let go if it doesn't make you grow. May mga bagay na dapat i let go natin kung alam natin na imbes na mag grow tayo as a better person e baligtad ang nangyayari .Hindi na tayo pabata dapat yung action and decision natin umaayon sa edad natin pero kung patuloy natin itotolerate ang isang maling bagay mali na yun. Katulad na lang pag nasa isang relasyon ka halimbawa sa mga kabataan imbes na pumasok ka sa klase mo gagawin mo magskip ka ng klase dahil may date kayo ng jowa mo hindi ka nya tinutulungan mag grow kasi kung mahal ka nya talaga sasabihin nya sayo na hindi mali yan pumasok ka sa klase mo pwede naman tayo magdate pag tapos ng klase mo ..he will push you to your dreams hindi ka nya hihilahin palayo sa pangarap mo.
Things fall apart for us to know what really matters. Yun yung narealize ko sa panunuod ng go back couple (panuorin nyo rin) nung una ang saya nila kasi nakabalik sila sa pagiging 20 years old again pero as time pass dun nila unti unti narealize na andun na sila sa part ng buhay nila na may pamilya na sila, kumbaga yung pinangarap at pinangako nila noon sa isat isa eh natupad nila so anong use na andun ulit sila sa nakaraan ? Tsaka isa pa may anak sila na dapat magkasama nila tinataguyod pero ngayon na stuck sila sa nakaraan . Ikaw ba gugustuhin mo yun ? Successful ka na sa buhay pero isang araw ibabalik ka sa nakaraan oo masaya maging bata ulit pero gugustuhin mo ba magsimula ulit dun sa nakaraan imbes na pinapagpatuloy mo ang buhay mo sa hinaharap. Kailangan natin mag move forward to grow . Hindi ka mag gogrow kung palagi mong babalikan ang nakaraan at isa pa walang replay ang buhay.
Take the risk ?? Or Lose the Chance ?? Alin ka dyan sa dalawa ?? Oo mahirap ang mga pagsubok na dumadating sa buhay pero hindi yan ibibigay sayo kung hindi mo kaya alam nya na kaya mong lampasan ang lahat . Pero diba mas maganda na yung matalo ka na alam mo sa sarili mo na may ginawa kang steps kaysa sa nawala lahat ng chances na wala ka man lang nagawa .
Forget yesterday. Let's fucking go mga mamsh HAHAHA . Humayo tayo at magpakabuti 😊 go lang ng go sa buhay one day you'll caught yourself smiling dahil sa successful at masaya ka na sa buhay .
A/N : any suggestion ng magandang kdrama please 😂😂😂
Ewan ko bat ganyan cover photo hahahaha basta adik ako sa yellow ngayon 😂