✨LMF 5✨

284 8 1
                                    

☝YASSZERINE CORA👆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YASSZERINE CORA👆

YASSZERINE NA HALOS SASABOG NA SA GALIT POV

Aba! Aba lang talaga! Kung sinuswerte ka naman talaga Oo! Katatapos lang ng mahaba-haba kong Fan Sign! Umulan pa?! Ang Swerte talaga! Langyang Sarcasm yan!

Sumasakit ang ulo ko. Hays! Kung di ko na sana pinatulan pa yung mayabang na lalaking yun! Edi di na sana ako pumayag sa mga tao na itigil ang pag vi-video nila kapalit ang pag fa-fan sign

Hindi naman kasi pwede na hayaan ko lang silang mag Video dahil kakalat nanaman sa media!

Naiinis kong kinuha yung bag ko at naglakad sa gate. Of course gamit ko yung payong ko!

Habang hinihintay ko yung sundo ko, kanina pa ako pumapadyak padyak. Si Tita Solenn kasi! Kailangan pa kasing iwan ako

Ay oo nga pala ako nagsabi na iwan niya ako

Ah basta! Dapat di siya pumayag

Kanina pa rin kasi umuwi si Lhirel. E kagaling din ano? Ang bait bait niyang bestfriend sobra! Bwiset talaga na sarcasm yan!

Kanina pa ako tumitingin sa Wrist watch ko. Ugh! Ang tagal ni tita! Mhayghad naman oh!

"Ahhh!" hiyaw ko nang biglang natalsikan ako ng putik. Lintik naman oh! Sino ba kasing gagong taong mabilis na nagpapatakbo dito sa harap ko at ng school?! Di ba niya nakikita ang putik na nasa harapan ko?! Shet! Ang dumi dumi ko na! May Photoshoot pa ako!

Sa inis ko ay binitiwan ko yung hawak kong payong dahilan kaya mabasa ako ng ulan. I don't care! Nadumihan din lang naman ako e! Edi wala na akong paki kahit mabasa pa ng ulan!

Naiinis akong kumatok sa Bintana ng bwiset na taong gumawa sa akin nito! Ako?! Yasszerine Cora Wilson? Gaganituhin niya?! Aba nakakagago!

"Punyetang Sira ulo ka! Di mo ba nakikitang nandoon ako?!" inis na sabi ko kasabay ang pagbaba ng Bintana ng Kotse niya. Dahilan kaya nakita ko ang taong kinaiinisan ko. At ang gago! nakashades at ngisi pang tumingin sa akin

"Ikaw nanaman?! Ano bang problema mo sakin ha?! Ako ba'y ginagago mo? Di mo ba ako kilala?!" Naiinis na sabi ko sa kanya. Nakangisi niya akong hinarap at nilabas ang Tablet niya na parang may binabasa

Tignan mo tong gagong to.

"Yasszerine Cora Wilson. 17 Years of age. Born in France. Half French and Filipina. Famous model in France and Philippines. Favorite Food is Chicken and Chocolates. Favorite Fruit is apple. Hates Snow and Rain" shems! Stalker ko ba siya?! Tinignan niya ako at parang iniiscan ang buong katawan ko

"Iba na talaga ang Mga Companya ngayon napaka hina mg taste" agad ko siyang binato ng ballpen. Bwiset siya! So sinasabi niyang di ako maganda? Aba nakakagago siya!

Nginisian lang ako at pinaandar ang sasakyan niya! Kaya heto ako nakanganga habang tinititigan papalayo ang Kotse niya. Pero bago pa siya makalayo ay itinigil pa niya ang Kotse niya at tumingin sa akin

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon