✨LMF 31✨

169 10 1
                                    

☝Lhirel 👆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

☝Lhirel 👆

AUTHOR'S POV

"Ok Guys? Simulan na natin ang practise sa Eksenang to!" malakas na sigaw ni Yesha sabay ang tingin sa dalawang cast na nasa kama ngayon. Ang eksena kasi ay yung bandang hahalikan na ng prinsipe ang natutulog na prinsesa sa kama. Tama nasa Grupo tayo nina Job ngayon. Kasalukuyang nakahiga si Lhirel habang si Job ay nagreready na para sa paghalik niya kay Lhirel

"Ahm. Di ba pwedeng peke-hin yung kissing scene?" tanong ni Kierry pero tanging iling lang ang sinagot ni Yesha "We'll claiming the winner's trophy. At di tayo mananalo kung puro kayo pabebe sa Practise niyo. Kaya ayusin mo ang upo mo dyan kierry and act like a real queen!" sigaw ni Yesha. Inirapan lang naman siya ni kierry saka siya umupo sa trono niya

"Ok! Action!" sigaw ni Yesha kasabay ang pagluhod ni Job sa kama ni Lhirel. Napakagat ng labi si Yazz na kasalukuyang nanonood sa kanila ngayon. May mga part sa katawan niya na gustong pigilan si Job pero Di niya kayang gawin. Lalo na at wala naman siyang karapatan. Hanggang ngayon di parin kasi sila nagpapansinan simula nung nag usap siya sa ospital ilang araw nang nakakalipas. Huminga ng malalim si Job saka unti unting lumapit ang labi niya kay Lhirel. Napasulyap si Lhirel at mapangiti siya nang makita niya ang nakapikit na mukha ni Job na papalapit sa mukha niya

'Shoot! Ang tagal naman!'

Sigaw ng utak ni Lhirel kaya di niya napigilan ang paghawak nito sa likod ni Job at pwersahang lumapit sa kanya "What the!" sigaw ni Job saka mabilis na tumayo 'Psh' mahinang sabi ni Lhirel. Well palpak ang plano niya "Ayusin mo nga Jairel! We can't make our Presentation perfect kung masyado kang ura-urada!" sigaw ni Job. Napakagat sa labi si Lhirel para pigilan ang galit niya. Ngumiti siya ng pilit saka nag bow sa kanilang lahat

"Pasensya na sa inasal ko! Sorry talaga! Kung gusto niyo pwede nating ulitin ang part na yun" gumuhit ang ngisi sa labi ni Lhirel habang nakatingin kay Yazz na ngayon ay puno ng lungkot sa mata. Pupwesto na sana ang pahat nang marinig nila ang malakas na tunog ng bell

"Opps! Di na pwede. Time's up. Mag ready na kayo. Maguumpisa na ang Presentation" Sabi ni Yesha kaya nagsitanguan ang lahat. Napahigpit ang hawak ni Lhirel sa script niya. Pero ngumiti din siya sabay bulong "Dibale. Mahahalikan ko din siya mamaya"

Umaliwalas ang mukha niya sa inisip niyang iyon saka siya nagpunta sa CR para magbihis

Napatingin lang naman sa kanya ang iba. Isa na dun si Leanne "I never knew That she was this evil" mahinang sabi nito saka siya tuluyang umalis sa lugar na iyon at maghanap ng lugar na pagbibihisan

Napagulo naman ng buhok si Job dahil di niya gusto ang nangyayari ngayon. Di niya gusto na magkaroon ng presentation at lalong di niya gusto na maging ka partner ang babaeng yun! "Ok ka lang?" Mabilis na nai-catch ni Job ang Tubig na binato sa kanya ni Ryan. Umiling naman ito bilang sagot

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon