✨LMF 42✨

146 11 0
                                    

YASSZERINE POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YASSZERINE POV

Sumubsob ako sa lamesa dito sa classroom. Wala pang tao dahil inagahan ko nanaman kagaya ng nakagawian ko.

Paulit ulit kong sinapo sapo ang ulo ko para makalimutan ko ang Sheteng Kiss na yan! Ba't ba niya ako hinalikan? Ano bang dahilan? Gusto ba niya ako? Shet Assuming na kung assuming pero di ko maiwasan na magisip ng kung ano ano

Padabog kong kinuha yung salamin sa bag ko at tinignan ang mukha ko.

Buti nalang talaga at wala pang tao ngayon. Halatang halata ang napakalaking eyebags ko tanda na di ako nakatulog kagabi. Sino ba kasing makakatulog matapos ang mga nangyaring yon?! Naguguluhan na ako!

Magdamag kong inisip kung bakit niya ako hinalikan. Di rin ako nakatanggap ng tawag o text man lang sa kanya. Ugh! Nakakainis! Ano ba talaga ang ipinapahiwatig mo sa akin Job?!

Kumuha ako ng concealer sa bag ko at pinahid yun sa paligid ng mata ko. Nakakahiya naman kung ipapakita ko ang napakalaking eyebags ko sa mga kaklase/fans ko. Siguradong bibigyan lang nila to ng malaking issue.  
Nang matapos kong lagyan yun ng Concealer ay sumubsob ulet ako sa mesa. Ugh! Ano nang gagawin ko ngayon?

"Yazz" umangat ako ng tingin at doon ko nakita sina Yesha at Lacy. Sabay atang pumasok to. Kumunot ang noo ko sa suot na salamin ni Lacy

"Anong get up mo lacy?" iniayos niya ang salamin niya saka ngumiti "Nawala kasi yung Contact lens ko e. Kaya balik salamin ulet ako. Bibili siguro ako mamaya" Sabi niya. Well maganda naman siya kahit nakasalamin

Di na siya nerd gaya ng dati at mas bagay na bagay na niyang magsalamin ngayon kesa noon. Inayos naman ni Yesha yung buhok niya "Yesha ba't umiksi lalo ang huhok mo?" pansin ko sa kanya.

Dati kasi nasa lagpas balikat na niya yung buhok niya na probably ay humaba nang magpagupit siya noon. Pero ngayon umiksi ito at di aabot na balikat

"Ang bilis humaba ng buhok ko. At ang init kaya ako nagpagupit" sabi niya kaya napairap nalang ako saka muling sumobsob sa mesa "Puyat ka no?" Sabi ni Lacy kaya umangat ako ng tingin. Inayos niya ang salamin niya at umupo sa tabi ko

"Paano mo naman nalaman" tanong ko sa kanila. May mga pumasok na ding mga studyante

"Hi Miss Yazz!"

"Miss Yazz ang ganda mo talaga"

"Miss Yazz. Dito ko nalang ilagay to ha?"

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon