☝Job and Cora (nakisingit si Vincent😂😂)👆
JHAIRHIE POV
"Officer Magno. Ano na pong balita? May link na po ba kayo kung anong nangyari sa anak ko?" Puno ng pananabik na sabi ko sa Police na nasa harap ko na may handle sa kaso ng anak ko
"Sorry Maam pero wala paren po" Napabuntong hininga ako saka ako humikbing muli. "Maam di parin po ba kayo susuko? Labim pitong taon na pong nawawala ang anak niyo baka naman po patay na siya o baka wala dito sa bansa~"
"Wag kayong magsalita ng ganyan Officer! Hanggat di ko nakikita ang bangkay ng anak ko! Di tayo titigil sa paghahanap sa kanya! Wala akong paki alam kung maubusan ako ng pera! Basta mahanap ko siya!!" sigaw ko sa officer. Pasukong tumango yung police sa akin kasabay ang paghawak sa akin ni Jin sa kamay ko
"Sandra Calm Down" hinarap ko siya at pinunasan niya gamit ang palad niya ang umiiyak kong mukha
"Jin naniniwala akong buhay pa siya. Nararamdaman ko yun. Jin di pa siya patay. Jin di pa patay si Jairomie" Niyakap niya ako at tumango tango
"Oo Sandra di pa patay. Di pa patay ang anak natin"
~~~~~~
YASSZERINE POV
Sa ikatlong pagkakataon. Ibinagsak nanaman ni Daddy yung newspaper sa harapan ko na may title na
'Sino nga ba ang tunay na dinedate ni Miss Yazz?'
Sabay Pakita yung picture namin ni Job na magkahawak kamay sa mall Kahapon at nung nasa coffee shop with Bryan
Napapikit ako ng di oras. Di ko na rin alam ang gagawin ko. Kalat na kalat sa media ang lahat. Kalat na kalat din na dalawang lalaki daw ang dinedate ko at di na magaganda ang mga feedbacks ng mga fans
Napasabunot ng buhok si daddy saka siya napatingin sa akin. Nakayuko lang ako. Katabi ko si Job na ngayon ay naka dekwatro
Hays! Bakit pa kasi kailangang mangyari ang mga to?!
"O ano na? Cora! Ano nang gagawin na tin? Kalat na kalat na sa buong mundo ang mga pictures na to. Lalo na nung dumagdag pa yung nangyari kahapon! Cora di na maganda ang mga comments sa media!" napakagat ako sa ibabang labi ko. Alam ko yun siniko ko naman si Job na napatingin lang sa akin. Medyo nailang ako sa kanya. Kasi naman yung nangyati kahapon. 1st time na may nakakita sa akin na umiiyak ako
"kuya CHris!" sabay sabay kaming napatingin sa pinto na may iniluwang tao
"Solenn?" Nagtatakang tanong ni Daddy. Si Tita Solenn?! Kailan pa siya nakagbalik galing sa France?
BINABASA MO ANG
Unintentionally Inlove With Miss Famous
Roman d'amour[COMPLETED || UNEDITED) "Why do we have to fall Inlove with a WRONG PERSON?" Yasszerine Cora Wilson, the famous, beautiful, and elite queen of the media, is home. She returned to the Philippines from France to continue her acting career and to brag...