✨LMF 38✨

169 11 1
                                    

YASSZERINE POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

YASSZERINE POV

Dapat pala sa umpisa palang... di ko na tinaggap yung Panyo na ibinigay niya sa akin nung araw na iyon.

Dapat di ko hinayaan na maging mabait siya sa akin

Dapat di ko hinayaan na tulungan niya ako

Dapat di ko hinayaan na mahulog ako sa kanya

Di ko naman kasi alam na ang pagmamahal ko sa kanya ay magdudulot sa akin ng sugat.

Sugat na mananatili sa puso ko kailanman.

Pero kahit ganoon, masasabi ko parin na di ako nagsisisi

Di ako nagsisisi na nakilala ko siya, minahal, at naging kami. Hanggang na nauwi ito sa masakit na Karanasan. Kasi naging masaya naman ako e. Naging masaya ako nung makilala ko siya, naging masaya ako nung minahal ko siya. At naging masaya ako na naging kami

Paano nga ba? Paano nga ba naging kami?

.........

"Take This" May iniabot siyang panyo sa akin. Tinitigan ko lang iyon saka ako napatingin sa mukha niya. Nakangiti siya ngayon. Kinuha ko nalang yung panyo saka ko iyon ginamit para punasan ang luha ko

Umupo siya sa tabi ko. Medyo nagulat nga ako e. Naaawa ba siya sa akin? Bakit? Kasi ayaw sa akin ng mga fans niya? Dahil ba di ako professional at hamak lang akong modelo?

"Alam mo.. Magaling ka namang umarte e. Di lang nila nakikita yun?" Tahimik lang ako. Di kasi ako sanay na kinakausap niya ng ganito. Di ako sanay na ako lang ang kinakausap niya. Kahit ka partner ko siya sa Movie, di parin maalis sa akin ang pagka ilang sa kanya

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon