☝Lhirel👆
YASSZERINE POV
napabuntong hininga ako habang naglalakad papunta sa pupuntahan ko. Swerte nga ako ngayon dahil walang naka aligid sa aking fans e. Naki pag deal kasi ako sa kanila na kapag tinantanan nila ako, papayag akong magkaroon ng picture taking sa kanilang lahat
Mabuti naman at madali silang paki usapan. Maaga pa naman kaya nga heto ako at kailangang pumunta sa pupuntahan ko. Sa District Area. Balak kong mag sorry kay Job
Kasi di ako naka attend kahapon sa Usapan namin.
FLASHBACK.....
Nasa labas na ako ng Company namin. Napatingin ako sa relo ko at malapit na palang mag 7. Buti naman naka abot pa ako. Akala ko di na ako makakaabot sa tindi ng traffic kanina. Napatingin ako sa building. Wala na sigurong tao dito sa kompanya. Kung meron man, siguro mga guards at yung mga mag o overtime sa trabaho nila
Ano naman kaya yung sasabihin sa akin ni Job? Kinakabahan ako at the same time exited din. Di ko naman alam kung bakit pero di ko maiwasan makaramdam nun e. Dumaan na ako sa gilid ng Building since sa likod kami magkikita
Nakangiti ako habang naglalakad. Madilim na pala. Napatingin ako sa Langit at napangiti ako nang makita ko ang maraming stars sa Kalangitan
"Ang Damot talaga ni Job."
"Oo nga kahit sana i video nalang niya"
"Hayst ano kayang mangyayari sa kanila?"
"Sana magbunga tong pinaghandaan natin"
Kumunot ang noo ko nang makadinig ako ng pamilyar na boses. Parang galing sa K-Soh yun ah! Hinakbang ko ang paa ko at titignan ko na sana yung mga naguusap pero may humila sa akin nagulat nalang ako nang nasa likuran na pala kami ng puno dito sa tabi ng building
Napatingin ako at taong nanghila sa akin at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Han na nakatingin sa akin ngayon
"What~" di ko natuloy ang sasabihin ko nang takpan niya ang bibig ko at nag 'shh' sign
"Makikita talaga ni Job. Bugbog sa tanong sakin yun" Boses ni Kierry!
"Haha! Hayaan muna natin silang mausap" si Carlo..
"Sana pala nagpakabit ako ng cctv para panoorin natin" Si JC
BINABASA MO ANG
Unintentionally Inlove With Miss Famous
Romance[COMPLETED || UNEDITED) "Why do we have to fall Inlove with a WRONG PERSON?" Yasszerine Cora Wilson, the famous, beautiful, and elite queen of the media, is home. She returned to the Philippines from France to continue her acting career and to brag...