AUTHOR'S POV"Ok! Narito tayo ngayon sa Birthdat ni Lacy. Pero bago yun batiin muna natin siya!" Sabi ni Raphael na siyang gumaganap bilang MC. Nasa isang Closed Stage sila na nirentahan exclusively para lang sa kanila. Malakas namang nagpalakpakan lahat kasabay ang pagbati nila ng "Happy Birthday Lacy!" kasabay na rin ang pag putok ng party poppers.
"Narito kayong lahat. Upang gawin ang isang laro. Di naman siya Laro actually kundi isa siyang play or acting. Pagalingan ito at kung sino ang matatalo at siyang maghuhugas ng plato para sa kainan mamaya!" Malakas na sabi ni Raphael sa mic. Nasigawan lahat. Nasa kanang bahagi ang blue team na pinamumunuan ni Rheanz at ang myembro ay sina JC, Milky, Lacy, Zharmes, Vincent, at Carlo. At sa kabilang dako naman ay ang Red team na pinamumunuan ni Job at ang kasama niya ay sina Kierry, Ryan, Leanne, Yesha, Yasszerine, at Lhirel.
"Sa Oras na ito ay magbubunutan ang leader ng bawat team ng Disney Play na kanilang I-aact sa harapan ng lahat! Tapos, ay bibigyan kayo ng 2 oras bilang time para mag prepare. Don't worry kasi provide na namin ang damit niyo" Sabi muli ni Raphael. Marami ang naghiyawan at nag simula nang mag eye to eye na ang bawat grupo. Ayaw kasi nilang maghugas ng plato.
May Binayaran din silang 3 taong magiging judge ng kanilang play. Talagang prepared na ang lahat at maayos ang pagkakagawa. "Ngayon, tinatawagan na sina Rheanz at Job upang bumunot ng I ro-roll play" lumapit agad ang dalawang leader kasabay ang malakas na cheer sa kanila ng bawat ka team. Unang bumunot si Job at isinigaw sa mic "Sleeping Beauty!" Maraming natuwa sa kanila. Bumunot naman si Rheanz at sinabi sa mic "Cinderella" bored na Sabi nito. Pero masaya paring nagtitilian ang bawat ka grupo nila
"At dahil nabunot niyo na ang I ro-roll play niyo. binibigay na namin sa inyo ang 2 oras para mag memorize at mag prepare" may mga umangal. Kasi mahirap daw magmemorize ng linya lalo na at 2 oras lang ang binigay na Time "sorry Dears. Pero yun lang talaga. Or mag give nalang ang isa sa grupo at siyang maghuhugas sa plato" lalong umagal ang bawat grupo. Ayaw talaga nilang maghugas ng plato. Mas mahirap daw kasi yun kesa magmemorize -,-
Kani kanila silang nagsialisan para magpunta sa isang bakanteng lugar para makapag practise. Unahin natin ang Grupo ni Job. Ginamit nilang kwarto ay kina Yazz at Lhirel.
"Ok na! Since sumikat bilang magka partner si Job at Yazz. Bat di nalang natin gawing sila ang magpartner?" Sabi ni Yesha na siyang napagkasunduan na magiging director ng grupo dahil bihasa na sya dito. Nagtaas naman ng kamay si Lhirel "Pero diba Di naman totoo na sila? Bat pa sila ang magka partner? Bat di nalang ako?" painosenteng tanong ni Lhirel. Napatingin sa kanya ang iba lalo na si Yazz na ngayon ay napayuko nalang. Napa higpit naman ang hawak ni Yesha sa Script na hawak niya "Excuse me Lhirel? Ikaw ba ang Director? As far as I know, ako ang napagkasunduang director dito." Napairap si Lhirel saka tumingin kay Yazz
"Saka for sure naman, Ayaw naman ni YACO ang maging ka partner ni Job diba?" nakangising tanong ni Lhirel habang nakatitig kay Yazz. Napakagat nalang sa ibabang labi si Yazz lalo na ng madinig niya ang Matagal na niyang di naririnig galing sa kababata niya. Ang bestfriend niya. Ang Yaco
BINABASA MO ANG
Unintentionally Inlove With Miss Famous
Roman d'amour[COMPLETED || UNEDITED) "Why do we have to fall Inlove with a WRONG PERSON?" Yasszerine Cora Wilson, the famous, beautiful, and elite queen of the media, is home. She returned to the Philippines from France to continue her acting career and to brag...