☝Lhirel👆
YASSZERINE POV
Nakaupo ako sa upuan ko habang naka halumbaba. Iniisip ko si Tita Jhairhie.
Bakit niya ako tinanong ng ganun? Anong dahilan? Nakaka ramdam ako ng kakaiba pag kasama ko siya. At di ko maintindihan kung ano yun"YaCo. Ok ka lang?" napatingin ako kay Lhirel. Di ko siya sinagot "Kanina ka pa wala sa sarili mo. May nangyari ba?" umiling ako saka ako humarap sa kanya
"Wala ok lang ako" Biglang bumukas yung pinto. Niluwal yung tatlo kong kaibigan "Yazz!" tumakbo si Zhar papunta sa akin "Nakausap mo si Mommy kahapon? Anong pinag usapan niyo?" Bungad na tanong niya. Nasa harapan ko siya ngayon. Pinaalala niya pa
"Wag ka ngang atat Zhar" si Yesha at umupo sa tabi ko. "Ehh? Ano ba kasing nangyari bat ka nakausap ng Mommy Ni zhar? Tungkol ba sa Relationship ninyo ni Job?" Si Lacy. Napatingin ako kay Lhirel na ngayon ay nalilito na. Napatingin din yung tatlo sa kanya na para bang 1st time nila siyang nakita
"Hi! Ikaw yung new student diba?! Nice to meet you! Ako nga pala ang Pinaka cute sa aming magbabarkada! Ako si Klarissa Yeshamie Javier but you can call me Yesha!" hyper na sabi ni Yesha habang hinahawakan yung kamay ni Lhirel "Ako naman si Lacy!" Segunda ni Lacy. Sabay na tumingin ang dalawa kay Zhar pero walang imik ito at nanatiling poker face. K, asa pa silang magpapakilala yan. Bumuntong hininga si Lacy "Siya si Zharmes kapatid ni Job" Sabi ni Lacy. Yeah siya na nagpakilala para kat Lhirel
"Oh hello" Magalang na sabi ni Lhirel kaya naman eeksena na ako "Guys. Siya si Lhiency Jairel Ashton" Pagpapakilala ko nanlaki naman ng mata ni Lacy "Wehh? Siya ba yung Lhirel na sinasabi mong nasa ibang bansa?" tumango ako. Napatango tango silang lahat. kasabay ang malakas na kalabog ng pinto. At doon niluwa sina Job
Napatingin ako sa kanya at ganun din siya sakin. Umiwas ako kasabay ang pagtayo ni Lhirel. Nadako sa kanya ang tingin ni Job. Nagulat nga siya e. Pero parang di niya ininda yun. Nga pala, kaya pala di lumalapit sakin yung mga fans ko, kasi nagpapicture na ako kanina kapalit ng di nila ako guguluhin sa classroom. Kaya ayun pasilip silip lang sa alin ang mga fans ko haha. Nagsibalikan na ng upuan ang mga kasama ni Job pero lumapit siya sa lugar namin
Umiwas ako ng tingin. Yeah right, nandito nga pala yung NILILIGAWAN niya. Alam niyo naman na nililigawan noon ni Job si Lhirel diba? "Cora" kumunot ang noo ko. Ako ba? Lumingon ako sa kanya pero makita kong nakatingin sa akin si Lhirel "Samahan mo ako." sabi niya. Napatigil ako ng ilang segundo. Napatingin ako kay Lhirel. Saka ako bumuntong hininga "Kay Lhirel ka nalang magpasama. Medyo busy ako e" saka ko nilabas yung notebook at ballpen ko at kunwareng nagsusulat. Napangiti naman si Lhirel. Yeah para sayo to Lhirel
"Pero Cor~" di niya natuloy ang sasabihin niya nang lumapit sa kanya si Lhirel "Zhamey! Namiss kita ah! Ilang buwan na din!" napatango si Job kaya siya hinila ni Lhirel palabas ng classroom. Maaga pa kasi para sa mga classes. Wala pa n
gang studyante dito e. Kami palang
BINABASA MO ANG
Unintentionally Inlove With Miss Famous
Romance[COMPLETED || UNEDITED) "Why do we have to fall Inlove with a WRONG PERSON?" Yasszerine Cora Wilson, the famous, beautiful, and elite queen of the media, is home. She returned to the Philippines from France to continue her acting career and to brag...