✨LMF 32✨

184 13 1
                                    

☝YASSZERINE👆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

☝YASSZERINE👆

YASSZERINE POV

Napatingin ako sa kanang bahagi ko kung nasaan yung isang grupo na sina Zharmes. Napatingin sa akin si Zharmes saka ako nginisian. Parang may ibig sabihin pa mga ngising yun. Napatingin ako sa harap. Ugh nakaka asar ka naman Zharmes! Nakahawak ako sa lips ko

Di ko inaasahan ang paghalik niya kanina. Akala ko mag fe-fake kiss lang kami. Pero nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Di naman na ito ang 1st time na mahalikan ko siya pero iba paren ang epekto. Ang lambot pala talaga ng labi niya. Nag li-lip gloss ba to? Ang kiniss kasi ng lips niya. Walang bakas ng pagka dry. Napakagat ako sa labi ko

Unti unting nanlaki ang mata ko nang marealize ko kung ano ano ang pinagiisip ko! Napasampal ako sa sarili ko sa isip ko. Ahhh! Yazz! Ano ba yang pinag iisip mo?! Why would you think about his lips?! Ano bang nangyayari sayo?! Napakagat ulet ako sa ibabang labi ko saka ako napatingin sa katabi ko. Si Job. Napangiti nalang ako ng pilit saka ako nakinig sa sasabihin ng taong nasa harapan namin ngayon

By the way Gabi na. I don't know the time pero sa tingin ko, past 7 pm na. At nasa harapan kami kung nasaan ang gubat. Natapos na nga ang act kanina at nanalo sina Vincent. I admit na deserve nila ang manalo. Maganda ang acting nila lalo na at nagmukhang devil doon si Rheanz at nakakatawa ang naging kinalabasan ng performance nila. Ok lang naman na kami ang naghugas ng plato kanina nung kumain kami. Pero ngayon, nandito naman kami para sa last activity ng birthday party ni Lacy

"So wellcome sa highlight ng party na ito!" sigaw ng MC. Hindi na si Raphael ang MC dahil kasali na din siya sa larong ito "So nandito tayo sa Secret Forest para gawin ang huli at pinaka exiting na larobsa lahat" yeah gaya nga ng sabi ko, napapalibutan ng gubat ang resort na to "Kanina, habang ginagawa niyo ang play niyo, kinuha namin ang mga susi ng kwarto niyo. Tinago namin sa bawat parte ng gubat na nasa harapan niyo ang susi niyo. Don't worry kasi sa susi niyo, may nakalagay kung anong room yun. Kaya di kayo malilito kung san ba ang susi ng bawat rooms ninyo" panimula ng MC. So ang ibig bang sabihin nun, magiging magka partner kami ni ....

"Kung sino ang ka room mate niyo, ay siya ang ka partner mo sa activity na ito. Wala ding ilaw sa Loob ng gubat kaya magdadala kayo ng sariling flashlight. Don't worry safe ang gubat dahil nagpalibot kami ng lubid na magiging limit niyo. Kung may nakita kayong lubid, wag na kayobg lalagpas. Baka kasi maligaw kayo, or worse baka malaglag kayo sa bangin" So magiging ka partner ko si Lhirel. Napatingin ako kay Lhirel na blankong nakatingin sa gubat. Napabuntong hininga ako. Alam ko na kadadating lang niya. Alam ko din na baka may pinagawa nanaman ang mommy niya sa kanya. Lagi nalang kasing ganun e. Pag sinabi ng mommy niya, dapat sumunod siya agad. Ang unfair no?

"Sige, magpunta na kayo sa mga ka grupo niyo"

•••

Nakatitig ako sa likuran ni Lhirel habang naglalakad. Di ko alam ang sasabihin ko pero alam kong may mali. Alam ko ang nangyari sa kanya ngayon lang. Alam ko na baka ipinatawag nanaman siya ng parents niya. Alam ko na she's having a hard time now. Alam ko lahat, pero wala akong magawa kundi ang bigyan lang siya ng heartache. Napalibot ako ng tingin. Madilim dito sa gubat na ito At tanging flashlight lang ang tanging ilaw namin. Napabunting hininga ako. I should do this

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon