✨LMF 28✨

158 9 0
                                    

ZHARMES POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZHARMES POV

Nakapa halumbaba ako sa table ko. Wala ako sa mood. Hanggang ngayon kasi di ko parin masagot sagot yung tanong na kagabi ko pa tinatanong sa sarili ko.

Si Ryan ba yung nakita ko sa Hospital kanina? O baka naman kamukha niya lang. Kung siya, ano naman ang ginagawa nya dun? Di naman niya binibisita si Yazz e. Pero bakit? May dinadalaw kaya siya doon? Sino? Girlfriend? Friend? kamag anak?

"Ahhh! Nakakainis!" Inis na hiyaw ko kasabay ang pag-gulo ko sa buhok ko.  Nakakainis! Ano ba talaga?! Ano ba ang kasagutan sa mga katanungan ko? Nakaka inis? Bat di ko alam?

"Ahem. Miss Castro. May problema ka ba sa klase ko?" Napatingin ako sa paligid ko at halos mamula na ako nang makita ko na pinagtitinginan na ako ng buong klase. Idagdag mo pa ang masamang titig ng Teacher namin ngayon. Ugh! Kasalanan mo to Ryan! Dahil sayo yan tuloy nakakahiya ako sa buong klase. Mamaya sabihin nila para akong tanga na nakikipag usap sa hangin kahit na ikaw ang iniisip ko. Shet ka Ryan sagad!

"Ahm sorry po. Sorry po talaga" paghingi ko ng despensa. Tumaas ang kilay ng Teacher saka nagbalik sa pagtuturo. Napatingin naman na sa board yung iba at nag focus sa klase. Nakakainis talaga! Napatingin ako sa upuan ni Ryan pero hanggang ngayon wala paren siya. 5 araw na siyang wala. Ano bang nangyayari sa kanya? Di kaya tumira na siya doon sa hospital kasama yung girlfriend niya? Teka girlfriend ba O friend?

Ugh!

*Bzzt!

Napakapkap ako sa bulsa ko nang maramdaman ko yung mag vibrate. Nilabas ko yung phone. Pwede namang mag phone dito e. But may limits.

From : Jairo
    Tama na kasi kakaisip sa akin. Yan tuloy napagalitan ka :(

Tumaas ang kilay ko saka ako napalingon lingon sa paligid ko. What's wrong with this asshole? Pano nya nalaman na napagalitan ako e di ko naman siya kaklase ngayon

*Bzzt!

Muli kong binuksan yung phone ko nang mag vibrate nanaman

From : Jairo
    Opps. Looking for me? ^_<

Tumaas ang kilay ko saka ko binulsa yung phone ko. Yung lalaking yun. Ano naman kaya ang balak niyang gawin sa buhay niya?!

Kaka dating lang namin sa school, magmula nung bisitahin namin si Yazz. Di kami umattend sa 1st class para puntahan si Yazz. Pero umattend na kami sa second. At heto nga ang nangyari. Dahil sa bwiset na Napaka puting lalaking yun. Minsan talaga napapaisip ako kung saan niya nakuha ang puti niya. I mean, maputi naman talaga si Papa niya na si Uncle Yyan. Pero Iba yung puti ni Ryan. Minsan nakaka insecure na e.

"Uy Ok ka lang?" Nilingon ko si Yesha. Tumango ako bilang sagot. Nasa Starbucks kami ngayon. "Na space out lang" Simpleng sagot ko saka ako humigop ng kape. Wala naman akong nakuhang sagot kaya napatingin ako sa dalawang kasama ko na nakatitig sa akin na para bang may gustong sabihin

Unintentionally Inlove With Miss Famous Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon