iii

32 0 0
                                    

Nandito ako sa dalampasigan.
Sana nandito ka ngayon.
Kasama kong pinagmamasdan ang lawak ng karagatan
At paghampas ng mga alon.

Ngunit kung ano ang lawak ng dagat ay siyang laki rin ng chansang hindi na tayo muling magsasama pa,
At ang paghampas ng alon ay sumisimbolo ng paghampas ng panahon na unti unti mo kong binibitawan sabay sambit ng salitang "ayoko na, mahal ko na siya".

Pero nanatili akong nakaupo,
Nanatili akong pinagmamasdan ito.
Nanatili akong naghihintay dito,
Nanatili akong umaasa sa pagbalik mo,
na para bang tubig na bumabalik balik sa dalampasigan at inaabot ako.
Nanatili akong naghihintay dito.

Oo, hindi parin maalis sa isip ko ang bawat detalyeng magkasama tayo,
Dahil lahat ng bagay na tinatamaan ng aking mga mata, ikaw at ako ang nakikita ko.

Pero nanatili ako,
Kahit puso'y puno na ng saksak at dugo.
Kahit ang sakit na sa ulo.
Kahit na wala nang tayo.

Nanatili ako.

Mensahe Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon