Kamusta,
Gusto ko lang sabihin na,
Masaya ako dahil natagpuan kita,
Ang malungkot lang, hindi tayo itinadhana.
Pero nagagalak akong makilala ka,
Kaya gusto ko magpasalamat sayo,
Kahit nilagayan mo ng tinik ang dating bulaklak kong puso,
gusto ko parin magpasalamat sayo.Salamat,
Dahil sayo naramdaman ko ang paraiso,
Naramdaman kong kiligin,
Naramdaman kong makiliti,
Naranasan kong ngumiti,
Naranasan kong tumawa ng napaka-lakas,
at lumipad ng mataas,
habang hagkan ako ng iyong mga braso,
Kahit alam kong di mo naman ako sineryoso.
Kaya patawad.Patawad,
Dahil sa akin napilitan ka pa,
Niloko mo ang sariling mong masaya ka.
Nanatili ka sa panandaliang oras kahit gusto mong umalis na.
Pinilit kong tumawa kahit ang sakit sakit na.
Kaya patawad kung nahirapan ka.
Gusto ko nang magpaalam.Paalam,
Dahil bibitaw na.
Wag kang maawa.
Wala ka namang paki sa akin diba?
BINABASA MO ANG
Mensahe Para Sayo
Poetryrandom poems that i wrote out of boredom. or random thoughts about him cuz i miss him so much haha. k dont judge me, lahat tayo naging tanga at nagpapakatanga. Dito ko lang muna ilalabas mga saloobin at kadramahan ko. Dito ko lang muna sasabihin yu...