Pangako, hindi na.
Hindi na ako magtatanong pa kung bakit,
Hindi na ako hahawak sa kamay mo ng mahigpit.
Hindi na ako titingin sayo tulad ng dati,
Hindi na ako tatabi sayo palagi.
Hindi na ako magbibitaw ng matatamis na salita,
Hindi na ako ngingiti o kikiligin pag inasar nila tayong dalawa.
Hindi na ako magseselos pag may kasama kang iba.
Hindi na ako tatawa sa corny mong jokes.
Hindi na ako papayag pag inangkas mo ko sa motor mo,
Hindi na ako tatanggap ng anumang bagay galing sayo.Kasi pangako, hindi na.
Hindi ko na iisipin pa,
Yung araw kung kailan tayo unang nag usap at nagkakilala.
Yung araw na nangamusta ka't sinabing tol? Kumain ka na ba?
Yung mga araw na tinatawag mo akong tropa.
Yung mga araw na lagi mo akong pinapahiram ng sumbrero mo.
O di kaya'y papayungan dibale nang ikaw ang mainitan wag lang ako.
At sa kung paano mo hinihilot ang ulo,
Nakasandal pa ako sayo noon habang nag uusap kung anong bago.Kasi pangako, hindi na.
Hindi ko na iisipin pa.
Yung lagi mong pinapasaya ang bawat araw ko.
Na kahit sa simpleng biro mo, napapatawa mo ako.
Na kahit makita lang kita, napapangiti ako.
At sa kung paano ko hinahampas ang braso mo,
Sa tuwing gagawa ka ng kalokohan kasama ako.Kasi pangako hindi na,
Hindi ko na iisipin pa.
Yung araw na lumayo ka,
Yung araw na sinabi mong hindi na kita dapat lapitan pa.
Yung araw kung kailan ka umamin,
Gusto mong pigilan ang nararamdam mo sa akin.
Sabi mo natatakot ka kasi baka hindi kita tanggapin.
Sa totoo nga ako pa ang dapat matakot kasi kilala na kita.
Matinik ka sa babae tulad ng sabi nila.
Alam ko rin ang istorya ng nakaraan mo
kaya nagdalawang isip pa akoPero...
Gusto na kita eh.
Ano pang magagawa ko?
Wala
Sabi mo kasi magbabago ka,
Para sakin,
Sabi mo magbabago ka.
Sabi mo lang pala,
Pero di mo ginawa.Hindi ko na nga iisipin pa.
Pangako, hindi na.
Hindi na kita mamahalin ng sobra,
Hindi na ako kakapit pa.
Tama na, bitaw na.
Nag iba na
Wala na talagang pag asa.
Kasi yung dating sakin ka lang nakatingin,
Ngayon sa iba.
Yung dating mga pangako mo sa akin,
Tinupad mo na sakanya.
Nanlamig ka na,
Para kang ice cream na masakit sa ulo,
Natutunaw pa.Hindi ko na sasayangin ang bawat patak ng luha ko.
Hindi na ako maghahabol sayo,
Hindi na ako aasa sa sinasabi mong pagbabago.
Hindi ko na iche-check kung may bagong post ka sa social media accounts mo.
Hindi ko na iisipin pa.
Hindi na kita iisipin,
Yung mga love quotes na patama mo,
Alam kong di na para sa akin.
Kung kailangan kong pakawalan ka,
Bakit ako kakapit?
Para saan pa?
Dun ka masaya eh,
Sakanya.
Bakit ko naman ipagkakait yun sayo?
Sayang tuition, mag aaral nalang ako.
Hindi na kita iisipin pa.
Pangako, hindi na!
BINABASA MO ANG
Mensahe Para Sayo
Poetryrandom poems that i wrote out of boredom. or random thoughts about him cuz i miss him so much haha. k dont judge me, lahat tayo naging tanga at nagpapakatanga. Dito ko lang muna ilalabas mga saloobin at kadramahan ko. Dito ko lang muna sasabihin yu...