xxiv

10 0 0
                                    

Nagdadalawang isip ako kung sasabihin
ko ba sayong gusto kitang makita.
Pag sinabi ko ang mga salitang,
"Bumalik ka na"
"Mahal parin kita"
"Kaya mo bang iwanan siya?"
"Pwede ba tayo ulit magsimula?"
"Maaari bang sa dulo ay tayo parin ang magkasama?"

Baka magbago ang ikot ng mundo,
Baka tangayin ka bigla ng hangin
papunta sa kinatatayuan ko.
At magniningning muli ang tala,
Baka bigla pumasok sa isip mo ang
masasayang sandali ng ating alaala.
Baka sabihin mong lagyan muli natin
ng pag ibig ang tayong dalawa.

Kaya kinausap kita.
Sinabi kong gusto kitang makita.
Ngunit nagbago nga ang ikot ng mundo.
Naging malamig ang bawat sulok ng kwarto.
Naging madilim ang paligid ko.
Nahirapang punasan ang luhang hindi namamalayang tumutulo.

Hindi mo ko pinansin.
Hindi ko aakalain,
Na mas lalo kang umiwas at nagalit sa akin.
Masakit sa damdamin,
Pero kailangan tanggapin.
Na ang pag ibig nating dalawa,
Tinangay na ng malakas na hangin.

Mensahe Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon