xxv

9 0 0
                                    

At isa pa,
wala akong ibang masasabi.
Pagod na kong magpaloko,
pagod na akong makinig sa mga iba't ibang dahilan mo.

Una palang bago natin bigyan ng pagkakataon ang tayo,
alam kong hindi ako sasaya sayo.
Dahil alam kong hindi na tulad ng dati,
nung panahong ako lang ang nakikita mo,

nung panahong ako lang ang gusto mo,
nung panahong kaya mong balewalain ang kahit na sino,
mapasaya lang ako.

Sabi mo, ikaw ay magbabago.
Nagbago ka nga,
mas lalo kang naging gago.

Opsyon mo lang ako,
hindi mo ko pinahalagahan,
mahigit isang taon na tayong wala
pero pinili parin kitang balikan.
Mahigit isang taon na tayong wala
pero gusto mo parin makipag-gaguhan.

Hindi na tulad ng dati,
akala ko sasaya ako dahil naging akin kang muli.
Hindi.

Hindi ka karapat-dapat mahalin.
Wala kang ibang ginawa kundi manakit ng damdamin.

Akala ko sasaya ako pag naging akin ka na ulit.
Akala ko mararamdaman kong muli ang langit.
Pero hindi na tulad ng dati.

Mali ang akala ko.

Kung mauulit ang oras na nagkita tayo, iiwas ako.


Mensahe Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon