Ayokong sumugal sa larong ito.
Natatakot ako.
Baka kasi hindi na kita mahanap pag nagtago ka na.
Baka hindi na kita mahabol kasi
sa layo mo ay hindi ka na matanaw ng aking mga mata.
Baka hindi na kita mahuli at ako nanaman ang taya.
Baka hindi na kita maagaw pag nasa base ka na ng iba.
Baka hindi na kita maabot dahil nasa langit ka at ako'y nasa lupa.
Baka hindi na magkakaroon ng tayong dalawa.
Kasi nawala ka na.
Madilim na kaya baka umuwi ka.
Kaya ito ako, nag iisa.
Pinaglaruan, pinagod, at pinaasa.
Pinaasang babalik ka para sabihing "hindi na ikaw ang taya"
BINABASA MO ANG
Mensahe Para Sayo
Poetryrandom poems that i wrote out of boredom. or random thoughts about him cuz i miss him so much haha. k dont judge me, lahat tayo naging tanga at nagpapakatanga. Dito ko lang muna ilalabas mga saloobin at kadramahan ko. Dito ko lang muna sasabihin yu...