Gigising na ang almusal ay kilig.
Babangon ng masigla,
dahil sa wakas
Makikita na ulit kita.Nagulo ang aparador kakahanap kung may damit na pula.
Nang sa gayon ay mas lalong mahumaling ka.Umalis ng bahay ng malungkot dahil hindi maganda ang porma.
Ngunit nang dumating ka, ang lungkot ay napawi ng saya
dahil sa mga salitang sinambit mo.
"Kahit ano pang itsura mo, ikaw parin ang pinaka maganda sa paningin ko"Kumain sa labas habang nakatitig sa mata mo.
Magka-hawak kamay na naglalakad sa parke na para bang tayo lang ang tao sa mundo.
Sabay nating pinanood ang pagtulog ng araw habang hinahagkan mo ako.Ligtas na makakauwi sa bahay dahil akoy hinatid mo.
Kumpleto ang araw ko dahil sa mga natupad mong pangako.
Matutulog ng taimtim dahil narinig ko nanaman ang boses mo.
Maging sa panaginip, ikaw parin ang kasama ko.Mga bagay na sakin ay nagpapa-tulala.
Ganyan sana tayong dalawa.
Ngunit masaya ka na sa iba.
BINABASA MO ANG
Mensahe Para Sayo
Poetryrandom poems that i wrote out of boredom. or random thoughts about him cuz i miss him so much haha. k dont judge me, lahat tayo naging tanga at nagpapakatanga. Dito ko lang muna ilalabas mga saloobin at kadramahan ko. Dito ko lang muna sasabihin yu...