xv

13 0 0
                                    

So paano kayo nagkakilala?
Sa eskwelahan din ba?
Nakasuot din ba siya ng pula?
Puno rin ba ng pawis ang kanyang mukha?
Bumagal din ba ang oras mo nang makita mo siya?
Tumakbo rin ba siya sa harap mo?
Huminto rin ba ang iyong mundo?
Maharot din ba siya tulad ko?
Nagpapansin ba siya sayo?
Ganun din ba na parang nung una mo akong makita?
Kuminang din ba ang iyong mata?
Namula rin ba ang iyong mukha?
Nahirapan ka rin bang umamin sakanya?
Naging magbarkada rin ba kayo bago kayo nagkaroon ng pagtingin sa isa't isa?
Paano kayo nagkakilala?
Ganun din ba na parang nung una mo akong nakita?

Kasi kung oo,
Ako nalang.
Ako nalang ulit.
Ganun din naman.
Pareho lang din naman ang iyong naramdaman.
Sana ako nalang.

Mensahe Para SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon