Chapter 13: I won't

277 9 2
                                    


Lisa's POV

"Unnie are you okay?" nakita ko si Jennie na parang matamlay. Weekend na at nanunuod ako habang siya ay nakatulala lang.

"...hmm"

"Tara Arcade tayo?" tanong ni Ate Jenna.

"Nag aarcade ka din ate?" tanong ko

"Bakit kayo lang ba pwede mag arcade?"

"Ah hindi naman ate. Wala lang sa itsura niyo pero ngayon meron hehe"

"Ikaw hindi ka sasama?" tanong niya kay Jennie.

"Pass muna ako"

"Sumama ka na Unnieeee!" paghihila ko kay Jennie kahit na tumatanggi siya.

*
Arcade

"100 pesos po kyahh" bumili muna ako ng coins
Then dumeretso kami

"AHAHAHAHA UYY TALO KA LISA" tawa ni Jennie.

"TARA DUN TAYO SA BASKETBALL UNNIE. HINDI AKO PAPATALO SAYO" ganti ko. Parang ibang Jennie nakikita ko ngayon. Parang kanina lang ang wala sa sarili tapos ayaw niya sumama tas ngayon tuwang tuwa naman.

Hayssss

Well atleast nakita ko nanaman siya masaya. Masaya na din ako.

"BOOOM SHOOT!" sigaw ni Jennie. Kanina ko pa siya nakikita na sobrang saya.

"AY TAE KA BAT AYAW MASHOOT?!" sigaw ko din.

"ANDAYA UNNIEE"

"WAWA KA NAMAN LISA"Ate Jenna said. Sinimangutan ko siya. Bigla may naisip akong ideya kaya napagrin ako.

Umakyat ako upang makapasok sa loob malapit sa ring at tinignan ko silang dalawa na nagtataka. Dinilaan ko siya at kumuha ako ng isang bola at nilabas pasok ko yung bola sa ring. Tawa ako ng tawa habang sila nahihiya na may kasama sila ganito.

"HUY BUMABA KA DIYAN"pagbabawal ni ate Jennalyn.

"MANANALO AKOOO SAINYO BLEHHH"

Ay nagulat ako ng bigla nila ako iniwan.

"HUY UNNIE WAITTTTT" napansin ko na ang dami nakatingin saakin. Omyghashhh HAHAHAHHAA famous na ba ako?

"TARA KARAOKE TAYOOO"hila ko sakanila.

"Hey Lisa ang lakas talaga ng boses mo. Uso i mute yan" pagbabara ni ate Jenna

"AY WALA SA LAHI KO YUNG MUTE ATE GANTO NA TALAGA BOSES KOO" pamumusit ko.

"Wala ba kayo balak kumanta?" tanong ni Jennie habang namimili ng kanta.

"Nakapili na ako" sabi ni ate Jenna.

"Jennie" seryoso kong tawag sakanya.

"Oh?"

"Ihanda mo na yung tenga mo..." at bigla may bumatok saakin

"Ouch atiii Jennie huhuhu jok lang"

Nang magsimula kumanta si Ate Jenna saka ko kinalabit si Jennie na nakatulala nanaman.

"Uy may problema ba?"

"Wala"

"Wag ka magsinungaling meron kang problema. Sabihin ko saakin" napabuntong hininga siya at tumingin saakin.

"Nakipagbreak saakin si Kyle" sabi niya. Napabuntong hininga nanaman siya. Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Tinignan ko siya pero bakit hindi siya ganoon nasaktan at hindi din ganon kasaya. Saka lamang ako bumalik sa realidad ng pinitik niya ilong ko.

"Stop that face. Baka mapasukan ng langaw yung bibig mo sa kakanganga mo"

"Okay ka lang ba?" nag aalala kong tanong. Hindi ko pinansin yung sinabi niya.

"Hindi ko alam."

"Bakit kaya ganon yung mga ibang lalaki noh? Hindi ko lang maintindihan bakit laging ikaw nalang iniiwan. Para saakin wala naman ako nakikitang rason bakit kailangan ikaw pa masaktan. Ikaw pa ang nasasaktan."

"Hindi ko din maintindihan e. Huwag mo na nga istress sarili mo. Mukha ka pang mas nasaktan kaysa saakin" niyakap ko siya nang mahigpit.

"HEY HINDI KAYO NAG AAYA AH" singit ni ate Jenna. Tapos na pala yung kinakanta niya. At saka siya sumingit sa yakap namin.

Sana bigyan lamang si Jennie ng pagkakataon sumaya.

Jennie's POV

Gabi na ng makauwi kami galing mall nila Lisa at Jenna ng bigla nakita ko si Jiro nakatayo sa harap ng gate. Inaya niya ako lumabas. Kaya andito kami sa school field. Sarado yung school pero yung field hindi kaya madali lang namin nilisan yung lugar na yon.

Nakahiga kami sa gitna ng field. At nakatingin kami pareho sa langit na may mga bituin. Sabi ni Jiro wala siya kasama sa bahay kaya sinamahan ko na siya.


"Alam mo.. pinagsisihan ko na iwan ka"

"Ha?"

"I should've beg my parents na hindi na pumunyta ng America and just stayed with you. Edi sana hindi ka nahihirapan ng ganito at hindi din ako nahihirapan."

"Ano ba ginawa mo duon?" hindi naman niya sinabi nuon kung ano ginawa niyo duon kaya na curious ako. Napatahimik siya sa tanong. Mukhang mahirap isagot yung tanong ko.

Naging tahimik yung paligid.

"Jennie..." basag niya sa katahimikan.

"Oh?"

"Tara laro tayo" nagulat ako ng bigla siya tumayo at nakangiting nakatingin saakin.

"Ang isip bata mo" pokerface kong sabi.

"Ito ngayon lang naman." nagsimula na siyang tumakbo. Napasunod tuloy ako sakanya at hinabol habol.

Tawa ako ng tawa tuwing gagawa siya ng mga epic pose. Tapos sasayaw pa siya. Inikot ikot namin buong field at nang ilang hakbang nalang ay maabutan ko na siya ng bigla ako nalatapilok. Natumba ako paharap at nagulat nalang ako na nakapatong ako kay Jiro.

Namutla ako sa posisyon namin. Napaiwas pa ako ng tingin at yung tibok ng puso ko ay nagsisimula nang bumilis. Yung tipong dinig na dinig. Nararamdaman ko din yung heartbeat niya kaya napatingin ako sakanya.

Akmang tatayo na ako nang bigla niya ako hinila at....hinalikan. Napapikit ako habang hinahayaan ko lamang siya sa ginagawa niya.

Nanghinawakan niya yung pisngi ko ay saka lamang ako gumanti ng halik.

Huminto kami sa ginagawa, pareho namin naghahabol ng hininga.

"Jennie, mahal mo pa ba ako?"

"Oo Jiro mahal pa din kita." sabi ko at ngumiti.

"I won't ever leave you again Jennie" nagulat ako ng tumulo bigla yung luha niya. Automatic ko naman siya niyakap.

Sana ganito nalang palagi.

^
Dalawa na inaupdate ko yay!huhuhu
Happy 1K ulit readers! :D na shookt talaga ako ng todo charrr

Don't forget to Vote and comment😁

The One That Got Away (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon