Chapter 14:

1 0 0
                                    


Jennie's POV

These past few days naging masaya kami ni Jiro. May oras na pinupuntahan niya ako sa bahay para sabay kami pumasok at may oras na lalabas kami after ng class. Sabado ngayon at wala ako homework kaya kulong nanaman ako sa kwarto.

Nakahiga ako nang mag ring yung cellphone ko. Kinuha ko yung phone ko at sinagot ang tawag nang di man lang sinulyap kung sino tumawag.

"Oh?"

"Good morning" napangiti ako ng marinig ko ang boses niya.

"Good morning din"

"May lakad ka ba mamaya?"tanong niya habang ako ay bumangon saka nag toothbrush.

"Wala man e bakit?"

"Kita tayo mamaya punta ako diyan"

"Hm sige"

Kumuha ako ng damit at towel bago pumasok ng banyo. Nagtagal ako ng konti dahil sa lamig na tubig. Nang matapos ako ay nabihis na ako. Pagkalabas ng kwarto ay nagulat ako ng nakaupo sa higaan ko si Jiro.

"Paano ka nakapasok?"

"Pinapasok ako ni Lisa" takang sagot niya.

"Eh?" natahimik nalang kami pero ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Ah... Hintay ka nalang sa baba mag aayos lang ako"

"Dito nalang ako maghintay gusto kita panuorin" tanggi niya. Bigla tuloy ako nahiya. Pero ipinagpatuloy ko yung pag aayos ko kahit na naiilang ako..

Nakaalis na kami at di ko malaman kung saan kami pupunta kahit na tanong ako ng tanong sakanya sagot lang niya ngiti.

Hanggang sa huminto yung kotse. Tanaw ang dagat at madaming magkasintahan ang naglalakad sa gilid ng daanan. Mayroon mga nagtitinda ng mga pagkain, damit at kung ano ano pa. Halos mapanganga ako sa mga nagtataasan ng mga puno at nakasabit roon ang mga ilaw ngunit hindi pa ito nakabukas. Bumaba at nagbayad si Jiro sa drayber.

Pagkababa ay napapikit ako sa bigla pagtama sa katawan ko ang hampas ng hangin. Pati ang simoy ng hangin ay masarap sa pakiramdam.

"Do you like it?" ngiting tanong ni Jiro.

"hmm! Paano mo nalaman yung lugar na ito?" hindi ko tuloy maiwasan matuwa.

"My instinct says that you'll love this place and that answers your expression" saka niya ako inakbayan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The One That Got Away (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon