Chapter 10- Justice

650 31 1
                                    

Chapter 10

Justice

Dalawang linggo na ang nakakaraan ngunit hindi ko pa din nabibisita si Alex sa ospital simula noong umalis ako. Hindi na kasi ako pinayagan ni Daddy na pumunta kahit na bibisitahin ko lang si Alex, masyado pa daw mainit ang issue. Nasa mabuting kondisyon na din naman daw si Alex kaya wala ng dapat ikabahala, ngunit nag-aalala pa din ako.

Kahit si Alex ayaw akong papuntahin doon para dalawin siya, baka daw mapahamak na naman daw ako at wala siya para protektahan ako. Siya na nga ang nakaratay sa ospital ako pa din ang inaalala nya, ibang klase talaga siya. Pinanindigan talaga niya ang pagiging driver slash body guard nya sa akin.

Ang huling balita ko, mayroon na daw lead sa kaso kaso ayaw pa nilang ipaalam sa amin ni Mommy ang bawat detalye. Ilang libro na din ang natapos kong basahin at ilang movie na din ang napanuod namin ngunit sobrang bored pa din ako. kailan kaya matatapos ang problema namin, sana naman mahuli na ang lahat ng tao na may kinalaman sa pananakot at pag-tatangka sa buhay namin.

Nalalapit na din ang eleksyon, mas madami ang naki simpatya kay Daddy dahil sa pang-yayari.  Sa tingin ko lalo pang dumami ang taga-suporta ni Daddy kaya naman lalong lumakas ang loob nya na ipag-patuloy ang nasimulang laban.

Hindi pa nakuntento ang mga taong iyon, nag-padala pa sila ng patay na daga dito sa aming bahay. Kaya lalong hindi tumigil sina Daddy para  malaman kung sino ba talaga ang taong gusto kaming patayin. Ipina imbistigahan na din ang dalawang kalaban ni Daddy para maging Mayor ng aming bayan at unti-unting lumilinaw na ang kaso.

Isang Linggo pa ang lumipas at nakabalik na si Alex mula sa ilang linggo nyang pag-papagaling sa ospital. Kitang kita pa din na nanghihina siya at mukhang masakit pa din ang kanyang mga sugat. Sa sobrang pag-kasabik ko na malita siyang muli hindi ko napigilan ang aking sarili at tumakbo agad ako para salubungin siya.

Bigla ko siyang niyakap at talagang galak na galak ako na nakabalik na siya. “Salamat naman nakabalik kana Alex!” Masaya kong bungad sa kanya habang nakayakap sa kanya.

Nakalimutan ko na hindi pa nga pala tuluyang magaling ang kanyang mga sugat kaya ganon na lang ang pag-ngiwi ng mukha nya dahil sa ginawa ko. “Aray ko naman Alexa, masakit pwede ba bitawan mo nga ako.” Masungit na sabi nya sa akin nakahawak pa siya sa kanyang tiyan.

Bigla naman akong natauhan at napalayo ako sa kanya. Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko na nag-bubulungan si Shiela at Andeng. “Sorry naman!” Mataray na sabi ko sa kanya. “Natuwa lang naman ako dahil nakabalik kana masama ba iyon?” Sabi ko pa at tumalikod na para pumasok sa loob ng bahay.

Tinignan ko ng masama sina Shiela at Andeng na nakatayo sa may pintuan. “Anong binubulong bulong nyo dyan ha?” Mataray kong sabi na nakataas pa ang isang kilay.

“W-wala pu Sinyureta Alixa, masaya lang den po kame na nakabalek na se Alix ba.” Sabi ni Andeng.

Hindi ko malaman kung maiinis o matatawa ako, kasi naman ang tagal na ni Andeng dito sa Manila puntong bisaya pa din siya. Nakangiti naman si Shiela na kulang na lang eh mapunit ang bibig sa sobrang pagka-stretched. Dumeretso na ako ng pasok at tumungo sa kusina para uminom ng tubig.

Nakakahiya talaga ang inasal ko kanina, para tuloy akong girlfriend ni Alex na lumambitin sa leeg nya. kulang nalang ipulupot ko ang aking mga hita sa katawan nya. Biglang uminit ang aking mukha sa isipin na iyon, parang umakyat lahat ng dugo ko sa aking mga pisngi.

Aakyat na sana ako sa aking kwarto nang makasalubong ko si Alex. “Wag ka na ulit tatakas Alexa.” Sabi nya sa akin.

“Hindi naman ako tanga para tumakas ulit noh?” Pag-tataray ko sa kanya at umakyat na ako sa hagdan. Nakita ko naman na pumunta siya sa kusina.

Dumapa ako sa kama at sinubsob ang aking mukha sa unan. Ilang minuto na din na sana ganoong pwesto ako nang tumihaya ako at tumitig sa kisame. Naisip ko na naman ang ginawa ko kanina. Bakit ko ba ginawa iyon? Hindi ko maintindihan pati ako nagulat sa ginawa ko at sobrang nakakahiya talaga kay Alex. Tinakpan ko ng aking mga kamay ang aking mukha at nag-papafyak sa kama.

Napatigil ako sa aking ginagawa, inalis ko ang aking mga kamay sa mukha ko. Teka nga, na i-inlove na ba ako sa kurimaw na iyon? Hindi maaari iyon, erase-erase. Hindi kailanman ma i-inlove ang isang katulad ko sa katulad nya na isang driver lang. Dumapa ulit ako at ginulo ang aking buhok.

Ilang sandali pa may kumatok sa pinto ng aking silid. “Sinyureta Alixa? Nakahanda na pu ang haponan.” Tawag ni Andeng sa skin.

Agad naman akong bumangon. “Oo pupunta na.” Sagot ko naman.

Bumaba na ako para kumain, naiilang talaga ako. Hindi ko magawang tumingin sa gawi ni Alex na kasabay naming kumakain. Tahimik lang ako at sobrang hiyang hiya sa kanya. Pag-katapos ko kumain umakyat na ako sa taas at pumunta sa balcony para mag-pahangin. Napalingon naman ako at nakita ko si Shiela.

Heto na naman ang nakakalokong ngiti ni Shiela. “Senyorita Alexa, may gusto po ba kayo kay Alex?” Lakas loob na tanong nya sa akin.

Inirapan ko siya. “Wala akong gusto sa kanya!” Singhal ko sa kanya.

Ngi-ngiti ngiti na naman siya. “Alam nyo po kasi Senyorita, halata na eh.” Tila kinikilig na sabi pa nya sa akin. “Ang pag-ibig parang utot napaka hirap itago, at kapag binuga mo na ang kinikimkim na damdamin maamoy ng lahat kahit hindi ka man umamin.” Nakangiti pang sabi nya sa akin.

Inirapan ko siya. “Tumigil ka nga Shiela, ang dumi ng isip mo! Sinabi nang wala akong gusto sa kurimaw na iyon eh!” Singhal ko sa kanya.

Lalo pa nya akong inasar. “Uy si Senyorita, in-love na.” Kinikilig na sabi pa nya sa akin.

Iniwan ko na si Shiela sa balcony at pupunta na ako sa kwarto ko ng makasalubong ko sa hallway si Alex. Nagulat pa ako ng makita ko siya.“Alexa, pinapatawag ka ni Sir Marlon.” Sabi nya sa akin.

“K-kanina ka pa ba dyan?” Tanong ko sa kanya.

Umiling siya. “Hindi naman, kadarating ko lang.” Sabi nya.

Dumeretso na ako pababa at nilampasan siya. Sana lang talaga hindi nya narinig ang mga pinag-sasabi ng loka-lokang Shiela na iyon.

Pagka baba ko ng hagdan nakita ko agad sina Mommy at Daddy na nakaupo sa sala may kasama sila na mga pulis. Agad naman nila akong tinawag at pina upo sa tabi nila.

“Halika dito iha, mayroon silang ipapaliwanag tungkol sa kaso, gusto namin na pati ikaw makaalam.”

Sabi ni Daddy.

Lumapit naman ako at naupo na din sa katabi ni Mommy, pinatong ko ang aking isang kamay sa hita ni Mommy. Hinawahan nya naman iyon at nag-hintay sa sasabihin ng mga pulis.

“Ayon sa imbestigasyon, nakilala na po ang gun man na bumaril sa inyo ng driver mo Miss. Lim.” Simula ng isang pulis.

Ipinakita naman sa amin ng isa pang pulis ang video ng CCTV na nakuha malapit sa pinangyarihan ng pamamaril. “Ayon pa sa driver nyo itong tao na ito ang nakita nya na bumaril sa inyo sa Malate.”

Napatingin ako malapit sa hagdan dahil nandoon si Alex na nakatayo. Nag-iwas din naman agad ako ng tingin sa kanya dahil para akong matutunaw sa mga titig nya.

“At kasalukuyan na siyang nakakulong ngayon, at napag-alaman din po namin Atty. Lim na tauhan siya ng isa sa mga kalaban ninyo sa eleksyon na si Mr. Reyes.” Paliwanag pa ng naunang pulis.

“Nasaan na si Mr. Reyes? Nahuli na ba siya?” Tanong ni Daddy.

“Sa ngayon po hawak na din siya ng mga pulis kaya wala na po kayong dapat ipangamba pa.” Sabi pa ng pulis.

Nakahinga na kami ng maluwag sa sinabi nila, sa wakas tapos na din ang pananakot at pag-tatangka sa kanilang buhay. Sana lang talaga mabulok na sa bilanguan ang Mr. Reyes na iyon para wala na talagang maging problema.

Nag-sipalakpakan naman sina Shiela at Andeng na nakikinig din malapit sa amin. Natuwa din naman ang iba pa naming kasambahay sa paliwanag ng mga pulis kasama sina Mang Kanor at Roberto.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon