Chapter 12- Assuming

602 29 0
                                    

Chapter  12

Assuming

Nakaramdam na ako ng sakit ng ulo kaya napag-isipan ko ng umakyat patungo sa aking silid. Busy pa ang lahat sa labas at di na ako nag-sabi kina Mommy at Daddy dahil ayaw kong abalahin ang magandang gabi nila. Hindi ko na din natanaw ni Alex sa balcony, baka bumaba na iyon. Medyo mahihilo na din ako dahil napainom din ako ng alak, kahit red wine lang ang ininom ko tinamaan pa din ako.

Dahan dahan akong umakyat ng hagdan, nang makaakyat na ako nagulat ako ng makita ko si Alex na nakaupo sa hallway. Tumayo siya at mukhang papalapit sa akin. Dumeretso lang ako ng lakad patungo sa silid ko.

Lalampasan ko na sana siya ng bigla nya akong hinila sa aking braso. “Bakit ba?” Iritang sabi ko sa kanya.

Mapungay na mapungay ang kanyang mga mata dahil sa sobrang kalasingan, sumandal pa siya sa pader dahil mukhang nahihilo pa siya. “D-dito ka m-muna.” Titig na titig siya sa mga mata ko ng sabihin nya iyon. “A-alam mo bang gustong gusto na kitang halikan ng gabing iyon?” Sabi pa nya na nakatingin sa mga labi ko.

Bigla kong naalala ang gabing muntik na nya akong halikan sa sala. “Ano bang pinag-sasabi mo Alex?” Pag-mamaang maangan ko.

Ngumisi pa ang loko-loko. “S-sana ikaw na lang ang babaeng iyon, para hindi ako nag-kakaganito at wala na sanang problema.” Biglang lumungkot ang kanyang mukha.

Naguguluhan talaga ako sa sinasabi nya, hindi ko siya maintindihan. Siguro nakipag-break sa kanya ang girlfriend nya kaya siya nag-kakaganito. “Lasing ka na Alex, matulog kana.” Sabi ko sa kanya at inalis ko na ang pag-kakahawak nya sa kamay ko.

Patalikod na ako sa kanya ng bigla nya akong niyakap mula sa aking likuran. Kinilabutan ako sa ginawa nya, heto na naman ang pag-dambol ng aking puso. Kinikilig ba ako sa ginagawa nya? Nagulat ako ng bigla nya akong pinihit paharap sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko ng bigla nya akong halikan.

Biglang tumigil ang buong paligid, ilang sigundo din akong natulala sa kanyang mukha habang mag-kadikit ang aming mga labi. Nagulat na lang ako ng mamalayan ko na tumutugon na pala ako sa ginagawa nya. Nang matauhan ako, bigla ko siyang tinulak at sinampal ng malakas.

Kitang kita ko ang pag-kagulat sa kanyang mga mata, hinawakan pa nya ang kanyang pisngi. Hindi ko na hinintay pa na hablutin nya ulit ako, tumakbo na agad ako patungo sa aking kwarto at mabilis na sinara ang pinto. Narinig ko pa ang pag-katok nya ngunit hindi ko siya pinag-buksan ng pinto.

Hindi ko pinangarap na ang first kiss ko ay manggagaling sa isang lasing na lalaki na hindi alam ang mga pinag-sasabi at ginagawa dahil wala sa sarili. Nag-hubad na ako ng suot kong dress at dumeretso sa banyo para mag shower. Tinapat ko ang aking mukha sa shower at hinilamos ang aking mga kamay. Isinuklay ko ang aking mga daliri sa aking buhok at nag-papadyak. Hindi talaga ako makapaniwala na ginawa ni Alex iyon, at mas lalong hindi ako makapaniwala na tinugon ko siya.

Kinabukasan hindi ko alam kung paano ko siya pakikiharapan dahil sa pang-yayari. Nang makita ko siya, parang wala lang sa kanya ang nangyari kagabi. Siguro dahil sa sobrang kalasingan nya wala na siyang naalala, sana nga ganoon talaga ang nangyari.

Kinahapunan napag-isipan kong basahin ang binigay nya sa akin na libro, sa balcony ko naisipang mag-basa. Nakita ko si Alex na nag-lalakad sa garden, papunta siya kay Roberto at nag-patuloy ako sa aking pag-babasa. Ilang minuto ang nakalipas halos malaglag sa sahig ang puso ko dahil sa sobrang pag-kagulat ng malaman ko na nasa likuran ko na pala si Alex.

“OMG! Bakit ka ba kasi bilang sumusulpot dyan? Kinabahan naman ako sayo, akala ko multo.” Napahawak pa ako sa aking dibdib.

Bumuntong hininga siya. “Alexa, pwede ba tayo mag-usap?” Tanong nya sa akin at seryosong seryoso ang mukha nya.

Kinabahan na naman ako, parang hinahalukay ang aking sikmura sa sobrang kaba. Naaalala nya yata ang ginawa nya kagabi. Oh my holy kamote, parang gusto ko nang lamunin na lang ako ng tiles sa mga oras na ito.

“N-nag uusap na nga tayo diba?” Pamimilosopo kong tugon sa kanya.

Tumawa siya ng mapakla. “About last night.” Bumuntong hininga ulit siya.

Lumingon na ako ng tuluyan sa kanya, kanina kasi naka side view lang ako. Oh my letsugas, naaalala nya nga ang lahat. “Ano kaba, wala iyon. Kalimutan na natin ang nangyari, tutal parehas lang naman tayong nakainom kaya walang kaso iyon ok?” Isang fake na tawa pa ang pinakawalan ko.

Titig na titig na naman siya sa akin. “I’m sorry sa ginawa ko, hindi ko sinasadya.” Pag-katapos nyang sabihin iyon sa akin bigla na siyang umalis.

Naiwan akong nakatunganga, at dahil sa sinabi nya parang gusto kong maiyak. Ano ba itong nararamdaman ko, bakit ganito? Sa totoo lang hindi iyon ang inaasahan ko na sasabihin nya sa akin. Mayroong parte sa puso ko na umaasa na sasabihin nya na mayroon siyang nararamdaman para sa akin kaya nya iyon ginawa.

Parang pinipiga ang aking puso dahil sa kauna-unahang pag-kakataon nabigo ako, napakasakit pala sa pakiramdam ng ganoon. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang hula sa aking mga mata. Tuloy tuloy na dumaloy iyon patungo sa librong binabasa ko. Agad kong pinunasan ang aking mukha at tumakbo patungo sa aking silid dahil ayaw kong mayroong makakita na umiiyak ako.

Ilang araw na ang nakalipas at pinakitunguhan ko siya na parang walang halikang nangyari sa aming dalawa. Nakukuha pa naman nyang makipag biruan kaya naisip ko na balewala lang talaga sa kanya ang nangyari. Malapit na nga pala ang pasukan at kailangan ko nang mag-paenroll, kaya nag-pasama ako kay Alex sa school para mag-enroll.

Sinamahan nya ako pati sa pag-pila, pinag-titinginan tuloy kami ng ibang mga nag-eenroll. Sino ba naman kasing hindi mapapatingin dito sa kasama ko? Kahit siguro tibo pwedeng ma in-love sa kurimaw na ito eh. Ayaw daw nya kasing mag-hintay sa kotse kaya sumama na din siya, ayaw nya din naman tumambay sa cafeteria.

Pag-katapos ko mag pa-enroll bigla akong nagutom. Hindi naman mahaba ang pila at saglit lang naman kami sa school pero kumalam na agad ang sikmura ko. Napahawak pa ako sa aking tiyan at napatingin siya sa akin.

“Gutom ka na?” Tanong nya habang nag-mamaneho.

Tumango ako. “Oo eh. Kaya bilisan mo na para makauwi na agad tayo.” Sabi ko naman sa kanya.

“Kumain na lang tayo sa labas, my treat.” Sabi nya na seryoso sa pag-mamaneho.

Hindi naman ako tumanggi, minsan lang mag-aya itong kurimaw na ito kaya lubusin na. “Ok sige.” Sabi ko na may kasamang napaka tamis na ngiti.

Dinala nya ako sa isang French Restaurant, at sa mismong favorite restaurant ko pa talaga. Paano nya kaya nalaman na favorite ko dito? Nag-kataon lang kaya iyon? Bumaba na siya at pinag-buksan ako ng pinto at inalalayan pa nya ako bumaba. Grabe parang kinukuryente na naman ako sa ginagawa nya pero hindi ako nag-pahalata na kilig to death na ako.

“Thank you.” Sabi ko sa kanya nang makababa na ako.

Sobrang nabusog talaga ako, ikaw ba namang pag-hainan ng mga paborito mong pag-kain eh. Si kurimaw naman gusto na ata akong lumobo sa katabaan at gusto na yatang orderin lahat ng nasa menu. Pag-katapos namin kumain umuwi na kami.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon