Chapter 18
Escape
Tumigil siya sa pag-lakad ng sipain ko siya. “B-bitawan mo nga ako!” Bulyaw ko sa kanya.
Lumingon naman siya sa akin. “Alexa please, kailangan natin mag-usap ng matino kaya sumama ka na lang sa akin.”
Hindi ako lumakad, humarap naman siya at niyakap ako ulit. "Please believe me, ikaw ang mahal ko Alexa at hindi ang babaeng iyon.” Nag-susumamo ang kanyang mga mata. Parang nawala lahat ang sama ng loob ko sa sinabi nya hinawakan nya ako sa kamay at sumunod sa kanya.
Sinakay nya ako sa kanyang kotse, hindi naman ako pumalag. Wala na din kasi akong lakas para awayin siya.
Dinala nya ako sa secret rest house nya sa Batangas at pinaliwanag nya sa akin ang lahat. Nauunawaan ko na ang lahat ngayon. Pinag-kasundo lang silang ipakasal dahil iyon ang gusto ng kanilang mga magulang.
Hindi ginusto ni Alex na pakasalan si Monica, napilitan lang sila na ituloy ang Engagement party dahil sapilitang inuwi si Alex ng mga tauhan ng kanyang Daddy. Matagal siyang nag-tago pero hindi nya alam na mayroong mga bagong tauhan ang kanyang ama kaya nakilala siya, at agad siyang pinadakip pauwi.
Itinago din ng kanyang ama ang cellphone nya at pinutol ang simcard nya. Hindi na nya matagalan ang pagiging diktador ng kanyang Daddy kaya tumakas siya sa kanila noon. Ang alam ng kanyang mga magulang nasa America siya pero may nakapag-sabi na nasa Pilipinas lang pala siya kaya ipinahanap siya agad ng kanyang ama.
Kaya hindi siya pumunta sa birthday ko, dahil invited ang kanyang mga magulang at alam nyang pupunta ang mga iyon. Ayaw nya na makita siya ng kanyang mga magulang na nasa poder namin siya, kaya umalis na agad siya sa amin.
Nalaman ko din na pinsan nya ang kinakapatid ko na si Jorge na nag-rekomenda sa kanya na maging driver namin.
Apat na araw na pala kami sa resthouse nya at nagulat ang isang care taker nya nang makita kami. “Sir Xander nadito po pala kayo, si nanay po kasi ang nag-aasikaso ng resthouse nyo noong isang buwan, at ngayon lang po ako nakabalik dito.” Paliwanag ng babae sa kanya.
“Oo, si Manang Yoly nga ang naabutan namin dito Nena.” Sabi ni Alex.
Napatingin sa akin si Nena. “Teka, nakita kita sa t.v ah? Pinag-hahanap ka ng mga magulang mo kasi apat na araw ka na daw nawawala.” Sabi nya sa akin.
Nag-katinginan naman kami ni Alex. “B-baka kamukha ko lang ang nakita mo sa t.v Nena.” Pag-sisinungaling ko.
Kinuha ni Alex ang mga dala ni Nena na mga bagong labang kurtina at bed sheet. “Nena ako na ang bahala dyan, you may leave.” Sabi nya at agad na umalis ang babae.
Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis na siya. Ngayon ko lang din naalala na matagal na pala akong hindi umuuwi sa bahay at nag-aalala na sina Mommy at Daddy sa akin. Sobrang missed ko na sila at gustong gusto ko na silang makita.
“Alex kailangan ko nang umuwi, nag-aalala na sina Mommy sa akin. Naiwan ko kasi ang purse ko sa table noong tinangay mo ako eh.” Sabi ko sa kanya.
“Ihahatid na kita, kailangan ko din mag-paliwanag sa mga magulang mo.” Sabi naman nya.
BINABASA MO ANG
Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)
RomancePaano kung ang isang spoiled brat girl ay ma-inlove sa kanyang driver? Aaminin nya kaya ang tunay nyang nararamdaman sa lalaki na kinainisan nya ng husto noon? Makuha nya kaya ang ninanais nya tulad ng nakasanayan nya?