Prologue

1.5K 49 10
                                    

Prologue

She is a spoiled brat, lahat ng naisin nya nakukuha nya agad ng hindi pinag-papawisan. Lahat ng luho nasa kanya na at updated din siya sa lahat ng trending topics, dress, accessories, food at iba pa. At ngayon malapit na ang inaasam niyang kalayaan.

Alexandra's POV

Excited na talaga ako sa pag-tungtong ng college, panibagong chapter na naman ito ng aking buhay. Ang sarap talaga sa feeling ng ngiti ko ngayong araw, kakaiba.

Masasabi ko na ngayon na malapit na talaga akong maging isang ganap na dalaga. Sa wakas wala nang chaperon, alalay at yaya na bubuntot buntot sa akin kahit saan ako pumunta at siguradong mas mag-eenjoy ako.

Ako nga pala si Alexandra Rose Lim. Maganda, matalino, mayaman at sexy. Ika nga nasa akin na ang lahat pero marami pa rin akong hinahangad sa buhay.

Masaya akong lumabas ng aking silid at bumaba. Lumapit sa akin ang aking yaya.

"Senyorita saan po ang punta nyo?" Tanong ng kasambahay namin na si Shiela.

Lumingon ako sa kinaroroonan ng kasambahay namin. "Mag sho-shopping ako ng mga bagong damit na gagamitin ko sa college life ko yaya." Maarteng sabi ko.

Lumakad na ako palabas ngunit hinabol pa ako ni Shiela.

"Sandali lang po Senyorita Alex." Tawag nya sa akin.

Lumingon naman ako. "Why?" Mataray na tanong ko tinaas ko pa ang isang kilay ko.

"Kabilin bilinan po kasi ng Daddy nyo na samahan ko kayo sa lakad nyo ngayon." Paliwanag ni Shiela.

I rolled my eyes. "Ok fine, sumama ka tutal naman ito na ang huling beses na sasama ka sa lakad ko eh." Lumakad na ako palabas at sumunod si Shiela sa akin.

Pag-labas ko ng aming mansion nag-aabang na sa labas ang aming Driver na si Mang Kanor.

Inirapan ko siya. "Don't tell me kasama ka na naman Mang Kanor?" Tanong ko sa driver namin.

"Siyempre naman po Senyorita Alex. Ito na ang huling araw ng pag-sama namin sayo dahil alam naman namin ni Shiela my love na gusto mo nang maging independent sa mga lakad mo at ayaw mo na na may kasama ka na kasambahay." Mahabang paliwanag pa ni Mang Kanor sa akin.

Wala na akong nagawa, akala ko pa naman makakapag drive na ako mag-isa hindi pa pala. Pumasok na ako sa kotse at naupo. Ang tagal pa pumasok ni Shiela at Mang Kanor kaya sinilip ko sila sa kabilang side.

"Mag-lalandian na lang ba kayo mag-hapon?" Mataray kong sabi sa kanila.

Agad naman na pumasok si Shiela sa kotse sa likod siya sumakay. "Sorry po Senyorita, si Kanor kasi eh." Tila kinikilig na sabi ng kasambahay namin.

Hindi na ako nag-salita at nag-lagay na ako ng seat belt. Pumasok na din si Mang Kanor.

"Sorry po Senyorita Alex, monthsary kasi namin ni Shiela my love binati ko lang siya." Nakangiting sabi pa nya at sinimulan ng paandarin ang kotse.

Pag-katapos ko mag-shopping dumaan muna kami sa isang sikat na bake shop at binili ko ng cake sina Shiela at Mang Kanor para sa celebration ng monthsary nila.

"Wow salamat po Senyorita Alex." Sabi ni Shiela sa akin nang malaman nya na para sa kanila ang cake na binili ko.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon