Chapter 6- Campaign Period

720 28 1
                                    

Chapter 6

Campaign Period

Dalawang taon na ang nakakaraan at thirdyear college na kami ni Belle sa kurso na Business Management.  Mag ka-klase pa din kami ng mga classmates namin simula first year hanggang ngayon dahil block section kami. Halos lahat kami sa klase ay mag-kakabarkada na maliban sa grupo nila Apple na kontra bida sa aming klase.

Ok na din naman kami ng kurimaw kong driver, nag-sorry na siya sa akin sa mga pang-iinsulto nya noon. At dahil mabait naman ako, tinanggap ko na lang para hindi na masira araw-araw ang mood ko.

Nakabili na din siya ngayon ng kagandahang asal, pinag-bubukas na nya ako ng pinto ng kotse. Pinag-bubuhat nya din ako ng mga libro ko at inaalalayan pa paminsan-minsan. Tinatawag na nya rin ako na Senyorita, dati kasi Alexa lang ang tawag sa akin ng kurimaw na iyon.

Isang araw noong sinundo ako ni kurimaw sa school nakita kami ni Belle, lumapit siya sa amin dahil wala pa ang driver nya. “OMG! Alexa, hindi mo sinasabi sa akin na mayroon ka palang napaka gwapong boyfriend.” Tila kinikilig na sabi pa nya at ang gaga hinampas pa ako sa braso na halos matanggal sa iyon sa sobrang lakas ng pag-kakahampas nya.

Muntik na akong ma-out of balance, buti na lang mabilis kumilos si kurimaw at nahawakan ako sa siko. Tumayo ako ng maayos at inayos ang aking buhok. “Grabe ka naman Belle, makahampas ka naman wagas.” Sabi ko sa kanya at hinimas ang aking braso.

“Ipakilala mo naman kasi ako sa boyfriend mo.” Pamimilit pa nya at kilig na kilig pa.

Natawa ako ng mapakla. “Ano ka ba, hindi ko boyfriend yan.” Sabi ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ni Belle. “Ano? Hindi mo siya boyfriend?” Tanong nya na nakatunganga sa aming dalawa.

“Oo nga, kasasabi ko lang diba? Kailangan ba paulit ulit ko sabihin? Unlimited lang ganon?” Natatawang sabi ko pa sa kanya. Nakatingin lang si kurimaw sa amin.

Lumabi pa si Belle. “Weh? Di nga? Ano mo siya, manliligaw?” Tanong pa nya.

“Driver ko yan Belle, wag mo nga pag-isipan ng masama.” Sabi ko sa kanya at sakto namang dumating na ang driver nya. “Oh ayan na ang sundo mo Belle, umuwi kana baka gutom lang yan. Alis na din kami ng driver ko, bye Belle.” Mabilis akong pumasok ng kotse at kumaway pa sa kanya. Naintindihan naman ni kurimaw ang ibig sabihin ng tingin ko at pinaandar naman agad nya ang kotse.

Narinig ko pa ang pag-sigaw ni Belle nang umalis kami ni kurimaw. “Alexa wait!” Sabi nya na parang gusto pa kaming habulin.

Kinabukasan kinulit na naman ako ni Belle tungkol sa driver ko, and as usual sinabi ko lang ang totoo na wala kaming relasyon at driver ko lang talaga siya.

Bakasyon na naman at malapit na ang eleksyon. Napag-isipan ng aking Daddy na tumakbo bilang Mayor ng aming bayan. Naging Mayor din kasi noon ang aking lolo na si Don. Margarito at alam namin na malakas ang laban nya. Noong una ayaw ni Mommy na tumakbo siya dahil baka madapa daw siya. Mapag-biro talaga sila paminsan minsan, pero sa totoo lang nag-aalala si Mommy na baka mapahamak lang si Daddy sa pag-takbo nya sa halalan.

Dahil malapit na ang bakasyon, nakitulong na din ako sa pag pre-prepare ng mga campaign materials. Pati T-shirts ako ang umasikaso dahil gusto ko maganda at fashionable ang kalalabasan. Hindi na din ako gumigimik ngayon, good girl muna ako ngayon dahil madami akong inaasikaso. Siyempre kasa-kasama ko lagi sa lahat ng lakad ko si kurimaw na tumutulong din sa amin.

Sa kanya ako paminsan minsan humihingi ng opinyon at in fairness magaling siya mag-bigay ng mga opinyon at ideas. Nag-text na ang pinag-pagawaan ko ng mga printed shirts na gagamitin namin kaya pinuntahan na agad namin iyon ni kurimaw. Ginamit namin ang pick up truck ni Daddy kasi medyo madami iyon.

Bago mag-simula ang campaign period naayos na namin lahat ang kailangan kaya wala naman kaming naging problema. Madami ang sumuporta kay Daddy at sure win na daw siya, pero ayaw pang makasiguro ni Daddy dahil sa Mayo pa naman mag-kakaalaman.

Isang gabi busy ako sa pag-susulat ng isang article tungkol sa pangangampanya ni Daddy at hindi ko na namalayan ang oras. Nakita kong lumabas si kurimaw sa kusina na may dalang dalawang tasang kape. Nilapag nya iyon sa coffee table. “Mag-kapeka muna, panay na ang hikab mo dyan.” Sabi nya sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya. “Salamat.” Tugon ko.

Naupo siya sa sofa malapit sa akin, amoy na amoy ko siya mula sa aking kinauupuan. Ang bango bango nya, halatang bagong ligo siya. Kinuha ko ang kape at inamoy iyon. “Hmm ang bango.” Sabi ko.

Humigop ng kape si kurimaw bago mag-salita. “Ako ba ang sinasabihan mo na mabango?” Tanong nya sa akin.

Inirapan ko siya. “Kapal mo kurimaw ha, itong kape ang inaamoy ko at hindi ikaw.” Tinignan ko ang kape at uminom ulit. “Teka, baka nilagyan mo ng kung anong gayuma ito ha?” Sabi ko sa kanya na medyo kinagulat nya.

Natawa siya. “At bakit ko naman lalagyan ng gayuma yan? Looks ko pa lang mahuhumaling na ang kahit sinong babae na magugustuhan ko.” Pag-mamayabang na sabi pa nya.

“Ang hangin ah, grabe mayroon atang paparating na malakas na bagyo.” Sabi ko sa kanya at nilapag ang kape sa coffee table. “Bakit hindi ka pa matulog?” Tanong ko sa kanya.

“Hindi pa ako makatulog eh.” Tugon nya.

“Pumasok kana sa kwarto nyo ni Mang Kanor, malapit na akong matapos dito.” Pag-tataboy ko sa kanya, pero sa totoo lang bigla kasi akong nailang sa sinabi nya kanina na madaling mahuhumaling ang kahit sinong babae na magustuhan nya. Bigla ko tuloy naisip na baka mayroon na siyang girlfriend at hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nalungkot.

Kinabukasan abala na naman ang lahat dahil mamayang gabi mayroong gaganapin na programa sina Daddy at ang mga kapartido nya sa plaza at mag-tatalumpati siya. Siyempre present kaming lahat, pati sina Mang Kanor, Shiela at iba pang kasambahay namin ay naroon din. Nakaupo naman si kurimaw malapit sa akin pero hindi kami nag-kikibuan.

Madaming tao ang dumating at masigabong palakpakan ang binigigay ng mga tao sa aking Daddy at pati na rin sa mga kapartido nya. Bago matapos ang talumpati nila Daddy isang hindi inaasahang pang-yayari ang naganap.

Nagulantang ang lahat ng mayroong isang malakas na pagsabog na yumanig sa buong paligid.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon