Chapter 25- True Wedding of the Year!

786 32 0
                                    

Chapter 25

True Wedding of the Year!

Sa wakas ito na ang pinakaasam asam namin na araw ng aming pag-iisang dibdib ni Alex. Excited ang lahat sa malaking pasabog na matutunghayan ng buong sambayanan. Madaming media reporters ang inaasahang dadalo sa kasal namin dahil mga magulang na din ni Alex ang nag-imbita sa kanila.

Atat na atat na akong makita ang napaka-gwapo kong husband to be na nakatayo sa harap ng altar. Pag-katapos akong ayusan ng mga kinuha nila Mommy na make-up artist nag-bihis na agad ako dahil isang oras din ang biyahe patungo sa simbahan.

Kinakabahan ako na sobrang saya. Huminga ako ng malalim bago sumakay ng kotse. Inalalayan naman ako assistant ko para maipasok ng mabuti ang gown ko sa loob. Pag-kalipas ng isang oras na biyahe, narating namin ang parking area ng simbahan. Tumigil ang kotse sa tapat ng isang napaka gandang karawahe.

Namangha ako sa itsura noon dahil itinulad ng disenyo nya sa karawahe na sinakyan ni Cinderella. Inalalayan akong makapasok ng dalawang lalaki na todo costume din paakyat sa karawahe. Ang karawahe ang nag-hatid sa akin patungo sa harapan ng simbahan.

Pag-kadating ko sa harap ng simbahan narinig ko na agad ang malakas na intoduction ng theme song ng aming kasal na ‘I Want to Spend My Lifetime Loving You’. Inalalayan na nila akong makababa sa karawahe at sumakay naman ako sa isang napakagandang puting kabayo.

Lahat ng tao sa loob ng simbahan ay nag-silingunan sa aking kinaroroonan. Namangha ang lahat ng makita nila ang kakaibang grand dramatic entrance na ginawa ko sa harapan pa lang ng simbahan. Inalalayan ng kanyang amo ang puting kabayo papasok sa loob ng simbahan. Dahan dahang nag-lakad ang kabayong sinasakyan ko na parang nag-mamartsa patungo sa harap ng altar.

Nasa mag-kabilang panig ko ang aking mga magulang na kapwa inaalalayan ako habang papalapit kami sa altar. Si Belle ang kumakanta ng theme song namin habang papalapit ako sa harapan. Ang lahat ng mga mata ay sa akin lang nakatutok, pati si Alex na naghihintay sa harap ng altar ay titig na titig sa aking mukha.

Napaka-gwapo nya sa suot nyang Zorro costume. Mayroon siyang suot na itim na mask, itim na sumbrero, white long sleve polo, black pants, itim na kapa, itim na boots at mayroon din siyang sword sa tagiliran. Ang suot na gown ko naman ay hango sa damit ni Queen Elsa sa movie na Frozen.

Medyo ginulo lang namin ang kaharian ng fairy tale dahil si Queen Elsa ay ikakasal kay Zorro. Nang makalapit na kami sa altar, lumuhod ang puting kabayo para makababa ako ng maayos at inilabas na siya ng kanyang amo sa simbahan. Agad namang hinawakan ni Alex ang aking kamay at inalalayan ako mag-lakad.

Nag-simula na ang seremonyas ng aming kasal at talaga namang napakasaya ko lalo na ng bumulong sa akin si Alex at sinabing “You’re so Beautiful”. Kinilig at napangiti naman ako sa sinabi nya at kinindatan pa nya ako.

“Ikaw Alexandra tinatanggap mo ba bilang kabiyak ng puso itong si Alexander sa hirap at ginhawa sa habang buhay?” Tanong ng pari sa akin.

Ngumiti ako bago sumagot. “Opo Father tanggap na tanggap ko po.” Tugon ko.

“Ikaw naman Alexander tinatanggap mo ba si Alexandra bilang kabiyak ng iyong puso mag-pakailanman sa hirap at ginhawa?” Tanong ng pari kay Alex.

“Opo Father kahit isaksak nyo pa si Alexa sa baga ko.” Todo ngiting tugon naman ni Alex.

Kinurot so siya ng mahina sa tagiliran at napangiwi siya. At nang sinabi na ng pari na “You may kiss your bride”, agad naman akong hinawakan ni Alex sa likod at niliyad nya ako para halikan. Nag-hiyawan ang mga tao ng halikan nya ako, medyo matagal bago nya ako pinakawalan.

Mahaba habang picture taking ang nangyari pag-katapos ng misa, at napaka daming gustong mag-papicture sa aming dalawa ni Alex. Pag-katapos ng mahabang picture taking nag-punta na kaming lahat sa reception area at doon ko na din ihahagis ang boquet of flowers na hawak ko.

Excited na ang mga single ladies na makuha ang boquet of flowers kaya naman nag-ready na ako na ihagis ang bulaklak. Nag-sisikuhan pa si Andeng at Shiela sa unahan ng mga nag-aabang. Hindi din naman nag-pahuli ang ibang dalaga at pati si Belle ay nakisingit na din.

Nang ihagis ko ang bulaklak nag-tatalon sa sobrang tuwa si Andeng. Pilit namang inaagaw ni Shiela ang bulaklak dahil siya daw ang sunod na ikakasal. Pati si Belle ayaw pumayag na hindi siya ang nakasalo ng bulaklak. Natatawa na lang ako sa reksyon nilang tatlo pero in the end pinaubaya na nila kay Andeng ang bulaklak dahil ikakasal na din daw sila ni Roberto.

Lumapit sa akin si Belle at niyakap ako. “Akala ko pa naman ako ang unang ikakasal pero nauna ka pa.” Nakangiting sabi nya sa akin.

Natawa ako sa kanya. “Wag kang atat ikakasal ka din naman.” Pinisil ko pa ang mukha nya na medyo napasimangot dahil siniko ko siya.

“Pero ang lakas maka Royal Wedding ng kasal nyo ha, na-amaze talaga kami sa pasabog nyo.” Nakangiti ng sabi nya at nag-yakapan ulit kami.

Pag-katapos ng kainan sayawan naman ang inatupag ng mga bisita. Kitang kita sa mukha ni Alex ang pagkainip. “Grabe talaga ang mga magulang natin Sweetheart, tignan mo sila kanina pa nag-sasayaw ang mga iyan.” Naka-kalong baba na sabi nya.

Natangiti naman ako at inakbayan siya. “Pag-bigyan mo na sila, minsan lang naman mang-yari ang ganito eh.” Sabi ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi.

“Ang tagal tagal eh, gustong gusto na kasi kitang masolo.” Nakangising sabi pa nya.

“Landi mo Alex, mamaya mo na isipin yan.” Bigla tuloy nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi nya.

Pag-katapos ng party tuwang tuwa si Alex nang pauwi na kami. Sinabi ng kanyang Mommy sa mayroon pa daw silang surprise para sa aming dalawa kaya sa kanila kami tumuloy. Nag-usap na din sina Mommy at mga magulang ni Alex kaya alam na nila ang plano pero ayaw pa nila sabihin sa amin ng asawa ko.

Nang-makarating ka ni kami sa kanilang bahay, excited na lumapit ang Mommy ni Alex sa amin. “Ito pa ang isang regalo namin sa inyo.” Inabot nya ang isang sobre sa aming mag-asawa na todo ngiti pa.

Si Alex ang kumuha noon at tinignan. “Trip to Japan?” Tanong nya.

“Yes my dear Xander, doon kayo mag ho-honey moon na dalawa. And pack up your things dahil mamaya na ang flight nyo.” Nakangiting sabi pa nya sa amin.

Nag-katinginan pa kaming dalawa. “Mag-enjoy kayo mga anak, kailangan na namin mag-pahinga ng Daddy nyo dahil napagod kami saa pag-sasayaw kanina.” Sabi pa niya at nag-mamadaling umakyat.

Wala na kaming nagawa kundi mag-ayos ng mga gamit dahil sayang naman ang ticket kung hindi magagamit. Mga gamit muna ni Alex ang inayos namin saka kami pumunta sa aming bahay para kumuha ng mga gagamitin ko.

Pag-katapos ng masayang honeymoon namin sa Japan, masiglang sinalubong kami ng aming mga magulang sa airport. Ayaw kasi nilang mag-hintay na lang sa bahay kaya pumunta na din sila. Niyakap kaagad ako ng aking dalawang Mommy na kapwa excited sa pag-dating namin.

Hinawakan ng Mommy ni Alex ang aking tiyan. “Mayroon na bang laman ito? Mag-kaka apo na ba kami?” Masiglang sabi pa niya.

Nag-katawanan lang kaming lahat sa sinabi nya. “Mommy wag masyadong atat. Darating din ang apo nyo ok?” Sabi ni Alex sa kanyang ina.

“Aba dapat bilisan nyo na hindi na kami mga bata.” Sabi naman ng Daddy ni Alex.

“Pati ba naman kayo Daddy? Wag nyo naman masyadong i-pressure ang asawa ko.” Naiiling na sabi ni Alex.

Nakangiti lang ako sa mga sinasabi nila pero isa lang ang sigurado, magiging spoiled ang magiging anak namin ni Alex sa kanyang mga lolo at lola. Nakakatuwang isipin na mag-kakaanak na kami, bigla tuloy akong na-excite sa isipin an iyon.

Nag-tapos man ang aming kwento pero dito pa lang nag-sisimula ang wagas na pag-mamahalan namin sa sia’t-isa na walang wakas.

♥♥♥Wakas♥♥♥

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon