Chapter 20- Supposed to be Wife

548 30 0
                                    

Chapter 20

Supposed to be Wife

Nag-paalam si Belle sa akin na babalik siya ng America para mag-bakasyon at hindi pa nya alam kung kailan ang balik nya ng Pilipinas. Araw-araw naman kami mag-kausap ni Alex kaya masaya na din ako kahit hindi kami lagi nag-kikita.

Isang araw nag-paalam si Alex sa akin na kailangan nya daw pumunta ng America dahil mayroon daw siyang kailangan asikasuhin doon. Pinayagan ko naman siya dahil malaki ang tiwala ko sa kanya.

Habang nasa America si Alex nabalitaan namin sa t.v na hindi na tuloy ang kasal nila Alex at Monica dahil ayon sa balita nag-pakasal na si Monica sa talagang boyfriend nya. Masaya naman kami ni Alex sa nangyari kaya excited na daw siyang bumalik ng Pilipinas.

Nakita ko din ng hindi sinasadya si Monica kasama ang kanyang asawa sa isang Restaurant sa Makati at talagang in-love sila sa isa’t-isa. Masaya sila na natuloy ang kasal nila dahil pinayagan na sila na mag-pakasal noong biglang nawala si Alex sa Engagement party.

Mabuti naman ang pakikitungo sa akin ni Monica kahit nalaman nila na ako ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nila ni Alex. Sa katunayan nag-pasalamat pa siya sa akin dahil natuloy ang kasal nya sa lalaking talagang minamahal nya.

Nai-kwento nya din ang hirap na pinagdaanan ng kanilang relasyon dahil hindi payag ang mga magulang ni Monica sa relasyon nila ni Gerald. Noong una natuwa si Monica dahil nalaman nya na tumakas si Alex sa poder ng kanyang mga magulang dahil tutol din siya sa plano na na ipakasal silang dalawa.

 Kaya naman ganoon na lang ang lungkot nila ng malaman nila na nakita na si Alex at tuloy na daw ang kanilang kasal. Ngunit pinag-laban din nila Monica at Gerald ang kanilang wagas na pag-mamahalan kaya naman masaya sila na natanggap na sila ng mga magulang ng dalaga.

Kaya naman mas lalo pang umigting ang aking pag-mamahal kay Alex at handa din akong ipaglaban iyon kahit ano pa man ang mang-yari. At walang sinuman ang makakahadlang sa aming wagas na pag-mamahalan para sa isa't-isa.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon