Chapter 22- Explanation

555 29 0
                                    

Chapter 22

Explanation

Hating gabi na pero hindi pa din ako makatulog. Naiisip ko pa din ang larawan na pinakita sa akin ni Belle. Kinabukasan puyat na naman ako at nag-leave din muna ako sa trabaho. Mugto na naman ang aking mga mata dahil sa mag-damag na pag-iyak. Nag-pahangin muna ako sa balcony pag-katapos kumain. Konti lang ang nakain ko kahit gutom ako, kasi wala akong gana.

Kilig na kilig na lumapit sa akin si Shiela. “Senyorita Alexa, nadyan na po ang prince charming nyo.” Abot tenga pa ang kanyang ngiti.

Hindi ko siya pinansin at matamlay na bumaba ako ng hagdan. Tumigil ako sa pinakadulo ng hagdan ng makita ko si Alex na nakatayo sa may pinto. Maaliwalas ang kanyang mukha at todo ngiti pa. Lumapit na siya sa akin. “Alexa, sobrang na-missed kita.” Akmang yayakapin na sana nya ako ng bigla ko siyang sampalin ng malakas.

Pulang pula ang pisngi nya dahil sa ginawa ko. Halatang halata sa mukha nya ang matinding pag-kagulat. Nag-simula na akong umiyak at walang tigil na pinag-dadambol ko ang matipunong dibdib nya. “Walang hiya ka!” Galit na sabi ko habang hinahampas ko siya sa pagitan ng paghikbi ko.

Hinawakan nya ang mga braso ko. “Teka Alexa, ano ba ang nangyayari sayo?” Tarantang tanong nya.

Tuloy pa din ako sa pag-hampas sa kanya. “Nag-tatanong ka pa hudas ka!” singhal ko habang umiiyak.

Bigla nya akong kinulong sa mga braso nya at hindi na ako makagalaw dahil parang bakal ang mga iyon. Hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. “Hindi ko alam kung bakit ka nag-kakaganyan pero, I’m sorry.” Buong pag-mamahal na sabi nya sa akin.

Parang natunaw ang puso ko sa sinabi nya. Biglang nawala ang galit na nararamdaman ko kanina at nanlambot ang aking mga tuhod. Naubos ang lakas ko kaya hindi na ako nakapalag pa, hinalikan nya ako na para bang wala ng bukas. Kapwa hinihingal kami nang mag-hiwalay ang aming mga labi.

Napatitig siya sa akin at hinila ako patungo sa sofa. “We need to talk.” Seryosong sabi nya.

Naupo kami at nag-simula siyang mag-salita. “Bakit mo ba ako binugbog kanina?” Tanong nya.

Inirapan ko siya. “Kasi naman manloloko ka!” Singhal ko sa kanya.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon