Chapter 13
Graduation
Naging mas malapit na kami ni Alex sa isa’t-isa hindi na ako nakakaramdam ng pagka-ilang sa kanya. Lagi ko din siya kasama kapag nag-sho shopping ako, minsan nakikipili pa siya ng bibilin ko.
“Gusto mo bang matuto ulit mag-drive?” Tanong nya sa akin habang nasa byahe.
Napalingon ako sa kanya. “Bakit? Aalis ka na ba?” Balik tanong ko sa kanya.
Natawa naman siya. “Hindi naman forever na driver mo ako eh, kailangan mo din naman pag-labanan ang takot mo.” Sabi nya sa akin.
Alam nya kasing na trauma ako noong nakapatay ako ng pusa. Napayuko ako sa sinabi nya, iiwan na ba nya ako? Kami? “Kailan mo naman ako tuturuan?” Wala na akong maisip na sabihin sa kanya, ayaw ko naman na tanungin pa siya kung talaga bang aalis na siya.
“Pag-kauwi natin sa subdivision tuturuan na kita kung gusto mo.” Sabi pa nya at tumango naman ako.
Tulad nang sinabi nya nag-start na agad kami ng driving lesson, at kinakabahan talaga ako. Nakatunganga lang ako sa harapan ng manibela parang hindi ko alam kung ano ang gagawin. Ganito ba talaga ang naging epekto sa akin ng trauma ko?
Natawa si Alex sa akin. “Ano, tititigan mo na lang ba maghapon yang manibela?” Nang aasar na sabi pa nya sa akin.
Mas lalo akong kinabahan nang bigla siyang lumapit sa akin, napapikit na lang ako bigla. Nagulat na lang ako nang bigla nyang ilagay ang seat belt sa katawan ko. “Safety first.” Nakangiting sabi pa nya. “Relax ok?” Dagdag pa nya.
Sinabi nya naman sa akin kung paano paandarin ang sasakyan, paulit ulit pa nga eh. Sinumulan kong paandarin ang kotse, noong una nanginginig pa ang mga kamay ko. Umikot kami sa buong subdivision at unti-unti nang nawala aang kaba na aking nararamdaman at napalitan na ng tuwa ang pakiramdam. “Kaya ko na ulit!” Masiglang sabi ko pa sa kanya.
“Sabi naman sayo kayang kaya mo iyan eh.” Sabi ni Alex na titig na titig sa akin.
Sa wakas graduating na ako, malapit na akong matapos sa pag-aaral at kailangan ko namang harapin ang mga naiwang negosyo ni Daddy. Simula kasi nang maging Mayor siya, si Mommy na ang namahala ng hotel at resort namin, kaya gusto kong tulungan siya.
As usual, busy na kaming lahat sa mga projects namin ang daming dapat habulin na mga deadline. Lagi tuloy akong puyat, hindi na din kami nakakagimik ng barkada kasi pati sila busy din. Alas onse na ng gabi pero hindi pa ako tapos sa ginagawa ko, nadito ako ngayon sa library at dito ko naisipang gumawa ng aking report.
Biglang pumasok si Alex sa library. “Nadito ka lang pala, akala ko tumakas ka na naman eh.” Nakangiting bungad nya sa akin.
“Bakit naman ako tatakas? Madami akong ginagawa eh.” Sabi ko sa kanya habang busy ako sa pag-susulat.
Binuka nya ang kanyang mga palad at hinarap sa akin. “Wait lang ha? Diyan ka lang wag ka aalis.” Sabi nya sa akin at lumabas na siya. Paano naman ako makakaalis dito eh hindi pa ako tapos sa ginagawa ko.
Maya-maya bumalik na siya na mayroong dalang isang tray, nilapag nya iyon sa isang table. “Mag-kape ka muna, gumawa na din ako ng sandwhich baka kasi nagugutom kana.” Malumanay na sabi nya sa akin.
Napangiti ako. “Ang sweet mo naman, salamat.” Sabi ko at tinikman ang kape na dinala nya.
Habang tumatagal mas lalong nagiging sweet si Alex sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko naman ang ginagawa nya. Wala akong pake-alam kung driver ko lang siya, kasi feeling ko parang boyfriend ko na siya.
Tinutulungan nya din ako sa mga projects ko, sinasamahan nya ako magpuyat gabi-gabi sa library. Gusto nya din na lagi siya kasama sa lahat ng lakad at pupuntahan ko, pinapabayaan ko na lang siya sa gusto nya kasi gusto ko din naman na nasa malapit lang siya. Ilag tuloy ang mga lalaking gustong manligaw sa akin kasi akala nila boyfriend ko itong kurimaw na ito.
Pero ang sarap lang isipin na sana totoong boyfriend ko na lang talaga siya. Nag-tataka tuloy ako kung may girlfriend ba itong lalaking ito kasi lagi na lang nakadikit sa akin. Baka pinapakulam na pala ako ng girlfriend nya dahil wala na silang time sa isa’t-isa dahil lagi siyang nakabuntot sa akin.
Kapag mayroon naman kaming group project at kailangan na mag stay sa isang bahay ng classmate namin, kasama ko pa din si Alex. Panatag naman ang loob nila Mommy at Daddy na hindi ako papabayaan ni Alex dahil ilang beses na naman nya akong nailigtas.
At sa wakas ito na ang pinakahihintay naming graduation, masaya kaming lahat na luhaan. Mixed emotions ang nararamdaman namin. masaya dahil sa wakas tapos na ang pag-sisikap namin sa pag-aaral aat panibagong chapter na naman ng buhay namin ang mag-sisimula. Malungkot dahil sobrang mami-miss namin ang isa’t-isa.
Hindi naman kami nabigo dahil nag-karoon naman ng magandang resulta ang apat na taong pag-susunog ko ng kilay. Masayang masaya ang aking pamilya dahil naka-graduate ako na isang cum laude.
![](https://img.wattpad.com/cover/18930043-288-k682777.jpg)
BINABASA MO ANG
Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)
RomancePaano kung ang isang spoiled brat girl ay ma-inlove sa kanyang driver? Aaminin nya kaya ang tunay nyang nararamdaman sa lalaki na kinainisan nya ng husto noon? Makuha nya kaya ang ninanais nya tulad ng nakasanayan nya?