Chapter 2- Trauma

876 34 5
                                    

Chapter 2

Trauma

Two weeks na pala ang nakakalipas at wala naman akong naging problema sa school. Nadag-dagan ang aking mga kaibigan ngunit mayroon talagang mga tao na hindi mo malaman kung insecure ba o ano. Sabi nga nila, you can’t please anybody pero hindi naman ako pinalaki ng mga magulang ko para makipag-basag ulo sa mga ganoong tao kaya pinabayaan ko na lang.

Masisira ang maganda kong buhok kapag pinatulan ko pa ang mga maldita na iyon na lagi akong pinag-bubulungan. Nag-enjoy na lang ako sa bago kong buhay ngayon kung inggit sila sa akin problema na nila iyon.

“Nag-bubulungan na naman ang mga bubuyog sa likuran natin Alexa.” Sabi ni Belle sa akin.

Hindi ko na sila nilingon pa. “Pabayaan mo sila, hindi naman nila ikakaganda ang mga pinag-sasabi nila eh.” Natatawa kong sabi kay Belle na natawa na rin dahil sa sinabi ko.

Napahawak si Belle sa kanyang bibig. “Tama ka dyan friend, wala sila sa ganda natin.” Tatawa-tawa pang sabi nya sa akin.

“Kaya huwag na lang natin silang pansinin pa, parang hindi sila anak ng mayaman kung umasta.” Mahinang sabi ko pa kay Belle.

Umalma naman ang isa sa mga babae at narinig ata ang sinabi nya. Tumayo ito at pumunta sa harapan nila.

“Kami ba ang sinasabihan mo na parang hindi anak ng mayaman kung umasta?” Nakataas ang kilay na sabi nya na sa akin nakatingin, namewang pa ito at inirapan ako.

Tumayo ako at hinarap siya, namewang din ako at nakipag-taasan ng kilay.

“At bakit naman namin pag-aaksayahan ng panahon na pag-usapan kayo?” Mataray na sabi ko sa kaharap ko. Hinawakan ni Belle ang aking kamay na parang gustong awatin ako. “Hindi ba itinuro sayo ng iyong mga magulang na masama ang makinig sa usapan ng iba lalo na kapag hindi ka kausap?” Sasabat pa sana siya pero inunahan ko siya. “Hep, hep, hep hindi pa ako tapos. Bakit, narinig mo ba na mayroon akong nabanggit na pangalan kaya ka nag-gagalaiti ng ganyan?” Mataray ko pang sabi.

“Wala nga akong narinig na pangalan pero...”  Hindi na nya naituloy ang kanyang sasabihin dahil lumapit ang ilang mga ka-klase namin at pinalibutan kami. Nag-hiyawan ang ilang kalalakihan sa loob ng classroom na kapwa mga classmates namin.

Nag-kibit balikat ako at binuka ang mga palad ko. “Wala naman pala eh, so pano mo nalaman na kayo ang pinag-uusapan namin?” Nakataas pa rin ang isang kilay ko nang sabihin ko iyon kay Apple.

Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon