Chapter 15
On My Own
Kinabukasan wala na si Alex, biglang bumigat ang pakiramdam ko. Ang sakit sakit sa damdamin, kung kailan mahal na mahal ko na siya saka naman siya umalis. Mahirap mag-simula ng panibagong buhay na wala siya dahil ilang taon siyang nasa tabi ko palagi.
Nag-punta ako sa balcony para mag-pahangin maaga pa naman at mamaya na ako papasok sa office. Biglang pumatak ang mga luha ko nang mayroon akong marinig na malungkot na kanta.
♪Put away the pictures.
Put away the memories.
I put over and over
Through my tears...♪
Pinunasan ko ang mga luha ko at bumaba ako at pinatay ko ang DVD player. “Senyorita bakit nyo po pinatay?” Tanong ni Shiela.
“Agang aga nag-papatugtog kayo ng mga ganyang kanta.” Sabi ko naman.
“Nalulungkot lang naman po kami kasi umalis na si Alex eh.” Malungkot na sabi pa ni Shiela. “Bakit Senyorita, hindi po ba kayo nalulungkot?”
“Hindi!” Singhal ko sa kanya.
Suminghot sa si Shiela. “Kunyari pa kayo Senyorita, halata naman na mugto ang mga mata nyo eh.” Sabi pa nya.
Hindi ko na siya pinansin at dumeretso na ako sa kusina para kumain ng almusal. Ito ang unang araw na mag-isa na ulit akong mag-mamaneho ng kotse simula ng umalis si Alex. Matamlay akong pumasok sa trabaho, nanghihina talaga ang kalooban at puso ko. Bakit kasi kailangan pa nyang umalis? Bakit kailangan pa nya akong iwan?
Pinilit kong mag-trabaho kahit malungkot na malungkot ako. Kailangan ko mag-patuloy sa buhay kahit wala na siya. Hindi ko din naman alam kung seryoso siya sa sinabi nya na babalikan nya ako. Pero gusto pa din umasa ng puso ko na tutuparin nya ang sinabi nya.
Ilang araw, linggo at buwan na ang lumipas ngunit ni isang tawag o text wala akong natanggap mula kay Alex. Nawawalan na tuloy ng pag-asa ang sugatan kong puso dahil ni hindi man lang siya nag-paparamdam.
Nag-lakas na manligaw si Ralf sa akin pero binusted ko siya dahil umaasa pa din hanggang ngayon ang puso ko na babalik si Alex. Tulala akong umiinom ng kape sa isang coffee shop kasama si Belle.
Winagayway ni Belle ang kanyang kamay sa harapan ng mukha ko. “Hello? Ok ka lang ba Alexa?” Iritableng sabi ni Belle. “Kanina pa ako salita ng salita dito tungkol sa bago kong boyfriend hindi ka naman nakikinig, nakakainis ka.” Umismid pa siya sa harapan ko.
Nag-buntong hininga ako. “I’m sorry, problem lang sa work.” Pag-dadahilan ko at uminom ng kape.
Natawa siya. “Work ba talaga? Baka naman si Alex pa rin yang nasa isip mo? Come on Alexa, it’s been a year, move on girl!” Naiiling iling na uminom siya ng kape.
Hindi ko na siya pinansin dahil totoo naman ang sinabi nya, isang taon na ang nakalipas ngunit kahit isang beses hindi nag-paramdam si Alex sa akin. Pero nangako si Alex na babalik siya, kaya umaasa ako na babalik siya.
Anak ng tinapa naman, bakit kung kelan pa talaga malungkot ang isang tao saka nakiki epal ang mga sad songs na iyan. Habang nag-kakape kasi kami ni Belle puro love songs ang pinapatugtog sa coffee shop at heto na ang sunod na song...
♪I see you, beside me
It's only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memories
How could I ever let you go
Is it too late to let you know... ♪
Kung nakikita ko lang sana si cupido sa paligig malamang kinalbo ko na ang mga pakpak nya para hindi na nya ako pag-tripan ng ganito. Ganyan ako ka-emo dahil kay Alex, hindi ako maka get over sa kanya. Hanggang kailan ba ako mag-kakaganito sa kanya? Bakit kasi sinabi pa nya na babalik siya pero hanggang ngayon wala pa din siya, pinapaasa nya ba ako sa wala?
![](https://img.wattpad.com/cover/18930043-288-k682777.jpg)
BINABASA MO ANG
Drive Me Crazy Over You (Completed ^_^)
RomancePaano kung ang isang spoiled brat girl ay ma-inlove sa kanyang driver? Aaminin nya kaya ang tunay nyang nararamdaman sa lalaki na kinainisan nya ng husto noon? Makuha nya kaya ang ninanais nya tulad ng nakasanayan nya?