Kabanata 3

1K 17 1
                                    

Nagising ako sa haplos na nararamdaman ko sa pisngi ko, pag mulat ko ng mata ay bumungad sakin ang napaka gandang ngiti ng napaka gandang babae na nakilala ko sa tanang buhay ko.

"Hi baby! good morning my baby." nginitian ko sya tsaka niyakap. Bangon na at baka ma'late ka. Tumawag sakin si dayvior, naka ilang tawag na daw sya sayo pero di ka sumasagot kaya inakyat na kita dito. Kumalas ako sakanya ng yakap at kinuha ang cellphone kong nasa table side ko.

"Thank you for waking me up mommy." sambit ko na naka tingin na sa cellphone ko, ang dami nang missed calls at text ni dayvior. Sumenyas ako kay mommy na tatawagan ko muna ito, tumango naman sya at naglakad papunta sa pinto at lumabas na. Hindi pa man natatapos ang isang ring ay sinagot na nya ito..

"hey Chiss! Goodmorning brah! Lintek yan, pudpod na yung kamay ko kaka'text at tawag sayo ah. Anyare ba?." maingay na bungad nya

"ano ba yan day!(dey) Ang aga aga ang ingay mo". naka nguso kong sagot sakanya. Natawa naman sya sa kabilang linya.

"hmmm? Hulaan ko?? ang haba ng nguso mo ngayon habang kinakausap mo ko noh? Hahaha! Sige na mag asikaso ka na baka ma'late pa tayo, usap nalang tayo pag nagkita na tayo. Bye brah! Deredretcho nyang sabi tsaka pinatay ang cellphone.

Tsk! Hindi man lang ako pinag salita. Tumayo ako tsaka ako nag inat papunta ng banyo para maligo.

Pagbaba ko naamoy ko na agad ang niluto ni mommy. Ang bango!

Goodmorning everyone! Bati ko sa lahat ng nasa mesa. Hinalikan ko sa ulo si mommy at daddy tsaka ako lumibot sa tabi ng bunso kong kapatid at hinalikan sya sa pisngi.

Ewww! Hyung ! Im a big girl na, stop kissing me in front of them! I'm not a baby anymore! Maarte at naka irap nyang sambit sakin. Natawa ako at ginulo ang kanyang buhok. Pinalo naman nya ang aking kamay tsaka inayos ang kanyang buhok

Ang arte mo yaxha ha?! May pa hyung hyung ka pa jan, nilamon ka na ng sistema ng mga Korean movie ". Sya ang aking bunsong kapatid na si yaxha heaven kit andrada she's only 13 years of aged pero kung titignan mo sya ay mukhang dalaga na, dahil sa magandang hubog ng katawan at magandang height na namana namin saaming mga magulang. Maganda si yaxha kaya laging nakukuhang muse sa paaralan namin walang tulak kabigin saming magkapatid dahil lumabas kami sa magagandang lahi. Sophomore na sya ngayon at marami ang umaaligid kaya todo bantay din ako kahit na sa college building ako.

"yaxha bilisan mo na kumain baka ma'late ka pa". Bilin ko sakanya tsaka tumayo at humalik kila mommy para maka alis na.

Hindi kami sabay pumasok ni yaxha dahil may sarili syang kotse na pinag mamaneho ng kanyang driver.

Pagka park ko ng sasakyan sa school natanaw ko na agad si dayvior, naka sandal sya sa kotse nya habang may kinakausap na babae?? Hindi ko mawari kung babae o lalaki ito. Lumapit ako sakanila para makita kung sino ang kausap nya, naka talikod kasi ang kausap niya sa gawi ko.

Nang maka lapit ako sakanila ay agad akong nginitian ni dayvior, pero hindi lumingon ang kausap nito.

"brah! Bati sakin ni day. "Kilala mo naman siguro si camniah diba? Classmate natin sa management subject kay ms.cambronero." paliwanag sakin ni day, ni hindi man lang nag abalang tapunan ako ng tingin ng babaeng mukhang lalaki haha! Bad chisser! tumango lang ako kay day.

"sige mauna na ko." walang emosyong sabi nito sabay talikod saming dalawa ni day. Psh! Ang yabang!

"bakit kausap mo yun?." tanong ko sakanya

"look at this brah! Kay camniah to!! Turo nya sa big bike motorcycle na ang kulay ay black matte na pinag gigitnaan ng sasakyan namin. "ang cool nya diba?!."

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon