Kabanata 11

724 13 0
                                    

Dayvior's POV

Muntik pa kong ma'late sa pag pasok dahil hindi ako nagising sa alarm clock ko.

Kaya nag tatatakbo akong dumiretcho sa klase ni dragona ngayong araw, hindi ko na pinansin ang mga estudyanteng nag titilian at bumabati saakin. Pagkarating ko sa kwarto ay umupo ako agad sa aking silya dahil sa hingal, laking pasasalamat ko na wala pa roon ang aming lecturer na ubod ng sungit.

Napa lingon ako sa bakanteng silya ni chisser sa tabi ko, sa monday ko papala makikita ang sira ulong yun.

Nang lumingon ako sa harapan ko ay nahuli kong naka tingin sakin si yvone bumalatay sa mukha nito ang pagka gulat nang mahuli ko sya, ngumiti ako dito pero inirapan akong bigla tsaka umayos ng upo.

Nalukot ang mukha ko dahil sa ginawi ng wangwang na babaeng ito. Inaano ko kaya sya!

Kung tatanungin ako ay talagang mas weird si wangwang kesa kay gori.

Nang dumapo ang aking mga mata kay gori ay nakita kong naka headrest lang ito at mukhang natutulog.

Kinalabit ko ito ng maka ilang beses bago ito lumingon sakin ng naka kunot nanaman ang noo. Halos mag suntukan ang mga kilay nito sa pagkaka salubong, blangko ang mga mata nitong naka tingin saakin animo'y naka tingin sa isang walang kakwenta kwentang bagay.

Tititigan mo nalang ba ko? Mahinahon at walang ka emoemosyong tanong nito sakin. Hindi pa namin nakikitang sumigaw o magalit itong si gori gaya nalang nung binu'bully at binugbog ito, tanging blangkong mukha lang ang ipinakikita nito sa lahat. Kahit nung unang araw na naglakas loob itong kalabanin si chisser walang nag bago sakanyang ekspresyon.

Tss! Palatak nito kaya bumalik ako sa reyalidad.

Ah hehe! Ano kasi.. Uhmm? Kamusta? Napakamot ako ng ulo sa kawalan ng sasabihin.

Ayos lang. Matipid na sagot nito animo'y bagu't na bagot sa kausap.

Ahhh... Sige matulog ka na ulit. Napapahiyang anas ko, Bumalik naman ito agad sa pagkaka yukyok.

Maya maya pa ay dumating si dragona at sinimulan ang discussion tsaka nag tawag ng mga pangalan para sa recitation.

Matapos ang discussion agad lumabas si dragona, naka hinga ng maluwag ang lahat ng wala na ang presensya nito sa paligid.

Mabagal na dumaan ang oras para sakin dahil siguro wala akong makausap parati. Na miss ko tuloy ng biglaan si chisser.

Ano kayang ginagawa ng lokong yun!

----*
Camniah's POV

Papasok ka sa trabaho? Tanong sakin ni yvone.

Nilingon ko ito saglit tsaka pinag patuloy ulit ang pag susuot ko ng jacket. Oo. Matipid kong sagot rito.

Bakit? Asar na tanong nito.

Anong bakit? Syempre para magka pera. Pa balang na sagot ko sa kakulitan ng babaeng to.

Pahihiramin na nga lang kita wag ka nang pumasok, manood nalang tayo. Pagmamakulit parin nito.

Yvone may usapan tayo diba? Ayokong tumira dito ng libre, wala akong ibabayad sayo at sa unibersidad pag hindi ako nag trabaho. Napa busangot ito sa sagot ko tsaka padarag na lumabas ng aking kwarto. Baliw talaga! Bulong ko.

Nang bumaba ako ay hindi ko na nakita pa si yvone kaya nag tuloy tuloy na lang ako sa pag alis.

Himala ang aga mo! Bati saakin ni key̒ ang baklang manager ng the free bar at sa umaga naman ay the free café.

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon