Kabanata 13

802 15 0
                                    

Chisser's POV

Excited akong bumangon sa kama at naligo agad agad. Pagka bihis ko ay tinawagan ko si day na mukhang kagigising palang.

Ang aga aga mo namang tumawag. Sagot nito sa kabilang linya. Excited sa pag pasok ah! Parang kahapon lang tamad na tamad ka. Inspired? May himig na panunukso ang tinig nito.

Yari ka talaga sakin pag gumanyan ganyan ka pa mamaya! Banta ko sakanya. Natawa naman ito sa sinabi ko. Mag bihis kana bilisan mo baka ma'late tayo, kita nalang tayo sa parking lot. Hindi ko na sya pinag salita in'End ko na agad ang cellphone ko.

Bumaba na ko at kumain. Wala na nga si mommy tulad ng sinabi nya kagabi, nasa school pa si daddy at mamaya pa susunod kay mommy. kami nalang ni yaxha ang nasa bahay at ang aming mga kasambahay.

Yaxha mag ingat ka sa pag pasok ha? Umuwi ka agad may photoshoot lang ako mamaya at uuwi din ako agad ok? Bilin ko dito. Ngumuso naman ito tsaka tumango, lumapit ako sakanya tsaka hinalikan ang kanyang ulo.

Pagka park ko ay agad akong bumaba. namataan ko naman agad ang motor ni gori na naka park sa tabi ng kotse ko. Sya lang kasi ang naka motor dito sa GFU na estudyante.

Hmmm?! Ang aga ha?! Excited mag community service.

Ngayon kasi ang simula ng community service namin bago mag simula ang klase.

Tinext ko nalang si day na mauna na sa classroom dahil mag lilinis pa ko para sa community service na parusa ko.

Dumiretcho ako sa maintenance room at kumuha ng walis at pandakot.

Nakita ko si gori na nag lilinis na, naramdaman agad nito ang presensya ko. Lumapit ito saakin at itinuro sakin ang lilinisan ko, nanlulumo akong sumunod.

Hindi ako marunong humawak at gumamit ng walis, kaya naman halos magkalasan ang mga tingting sa pagkaka bungkos nito.

iiling iling na lumapit sakin si gori at tinuruan ako kung pano gamitin ng tama ang walis tingting.

Pagtapos naming mag walis ay pumasok kami sa faculty room at yun naman ang sinimulang linisin. Kumuha ng dalawang basahan at timba na may lamang tubig si gori, nilagyan niya ng sabon ang tubig tsaka doon kinusot ang basahan at sinumulang mag punas ng mga bintana. Halatang sanay ito sa mga ganuong gawain dahil pulido ang pagkaka linis niya.

Tititigan mo lang ba ko? Napakurap naman ako sakanya tsaka dinampot ang basahan at diring diri na kinusot ko ang basahan sa marumi nang banlawan ng basahan.

Matapos naming mag linis ay na ngati na ang mga kamay ko at nagka sugat sugat. Marahil siguro ito sa sabon at sa dumi na dumapo sa balat ko.

Tinitigan kong mabuti ang mga sugat kong nang hahapdi at hinipan iyon ng hinipan baka sakaling maibsan ang hapdi.

Nagulat nalang ako ng hablutin ni gori ang mga kamay ko at lagyan ito ng ointment.

Hindi ka pala sanay sa trabaho. sensitive din ang balat mo sa anumang sabong panlaba, kaya nagka sugat sugat. Mahinahong sabi nito habang naka yuko at nilalagyan parin ng gamot ang mga sugat ko. Nang mag angat ito ng tingin ay nag tama ang mga mata namin, blangko parin ang mukha nito.

Naka ramdam ako ng kuryente sa pagkaka daop ng mga kamay namin, dagli ko itong binawi sakanya na ikinakunot ng noo nya. Hindi pa tapos. Sabi nito at hinila ulit pabalik ang kamay ko. Wag kang mag alala wala akong gagawing masama sa kamay mo. Dagdag pa nito.

Ang gaspang kasi ng mga palad mo! Singhal ko sakanya. Nakaka turn off hawakan!

Sinabi ko ba kasing hawakan mo? Inihinto nito ang ginagawa at tinignan ako ng magka salubong ang mga kilay na animo'y mag susuntukan.

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon