Kabanata 16

697 18 4
                                    

Chisser's POV

Chisser this is my patriarch. Naka ngiting anas nito. Meet our sovereign warrior Camniah Franzyne....

What?!!!! No!!!! Gulat na gulat kong sigaw.

Why?? is it because you only know that she's a poor little girl craving for some food and attention? Right chisser? Hindi nakaligtas saakin ang masamang titig ni carly at ang himig nitong sarkastiko. Kung nalaman ko lang ng mas maaga na ikaw ang nakatakda para sa kapatid ko, hindi ko na sana hinayaang nabuhay ka pa sa kamay nila Fuentes! Nag liliyab ang mata nito sa galit. Ano mang oras ay para bang pwede niya akong kitilan ng buhay sa pagkakatitig niya.

Carly Zyne hyud mạn, rangwạl khung khun ca sadeng hı khun thrab t̀o pị t̀o phra mhā kaʹạtriy khung phraungkh khun rū kuhmāy khung reā. Hindi ko man maintindihan ang sinabi nito kay carly ay ramdam ko ang hinahon ngunit ma awtoridad na turan ng prathan. (Pagsasalin: Carly Zyne stop it. kabastusan ang pinakikita mo sa susunod na hari, alam mo ang batas natin.)

khwām odthon pord prathan, man ca mị̀ keid khụn nīk khrậng. Sagot ni carly rito tsaka pinag daop ang mga palad at yumuko sa prathan. Sa palagay ko'y humingi ito ng dispensa sa ginawa niya. (Pagsasalin: Pasensya na po chairman, hindi na po mauulit.)

Marahas na paghinga ang pinakawalan ng prathan bago muli bumaling sakin. Nalaman naming lahat ang simula ninyo ng aking apo. Dagli akong napa yuko saaking narinig bigla ay gusto kong mag laho sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Isang pinaka makapangyarihan at prinsesa ng thailand ang binully at ginawan ko ng kung ano-anong kalokohan.

Hindi ma tanggap ng sistema at utak ko lahat ng nangyayari ngayon at lahat ng mangyayari saming pamilya lalo na saakin.

Lumuhod ako rito ng naka upo. pinag daop ko ang aking kamay tsaka yumuko rito para humingi ng paumanhin.Patawarin po ninyo ako sa kapangahasan aking nagawa prathan.

Tumayo ka na chisser tapos na iyon at kalimutan nanating lahat. Ang mahalaga ay alam mo na ang itinakdang tadhana sayo, nasabi narin namin ito kay camniah ngunit hindi nga lang niya alam na ikaw ang kanyang magiging itinakda. Paliwanag ng prathan.

Nilingon ko ang tahimik na si gori blangko parin ang mukha nito. Hindi ko ito kinakitaan ng gulat sa mukha dahil sa nalaman niyang ako ang kanyang itinakda.

Alam kong maraming katanungan sa isip mo hijo, manyaring mag tanong ka saakin at sasagutin ko. Naka ngiting turan ng prathan saakin.

Paano po ninyo naging apo si camniah? Isa po siyang montecarlo habang kayo naman po ay siam? Bakit hindi po si carly ang ipakasal ninyo kay gori este cam.. camniah eh sila po ang mag nobyo hindi po ba? Hirap ko pang banggit sa pangalan ni gori.

Nagulat nalang ako ng mag tawanan sina prathan Xanac at si carly.

Nangunot ang noo ko sakanila. Ano bang nakakatawa sa tanong ko?

Hijo pinatatawa mo ako, hindi ko alam na magaling ka palang mag patawa. Maluha luhang punas ng prathan sakanyang mga mata. Montecarlo ang aming english name dito sa pilipinas, ngunit sa ibang bansa ay kilala kami bilang mga siam. Malaki ang pag kakangiti ng prathan saakin, kitang kita ang ngipin nitong mapuputi pati na ang isang gintong ngipin na nasa gilid ng taas nitong ngipin.

Ayon sa nabasa ko ay tanging ang mga pinaka matataas na tao lamang ang meron nito at yun ay ang hari't reyna at ang mga supling nito na prinsipe't prinsesa. Tanda iyon ng kapangyarihan at kayamanan ng kanilang lahi, pag tumuntong sa ika tatlumpu't lima ang kanilang edad bilang hari o reyna ay maaari na silang lagyan nito. Samantalang sa prisipe't prinsesa naman ay sa edad na dalawangpu. Sa mga hari ay nilalagay ito sa pang itaas nilang ngipin sa gilid bandang kanan, samantalang sa kanang bahagi ng molar tooth naman ang sa reyna, habang ang mga prinsipe't prinsesa naman ay sa kaliwang bahagi ng kanilang molar tooth.

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon