Kabanata 22

447 14 12
                                    

Chapter 21

Play

"Camniah is so much concern to your dad's condition, that's why she keep this secret. I asked Camniah too to keep whats really happening to you from your dad."

Bawat kataga na lumalabas sa bibig ni mommy ay parang bombang sumasabog sa pandinig ko.
Bigla akong natauhan sa mga sinabi ni mommy. Hindi maproseso lahat ng utak ko ang mga nalaman ko. Una ang kalagayan ni daddy, pangalawa ang mga masasakit na sinabi ko kay gori. Biglang kumirot ang aking ulo, kasabay niyon ang pang uusig ng aking konsensya. Bakit ba samin nangyayari ito? Bakit sa pamilya ko.

Hinawakan ni mommy ang aking balikat. "Please act normal like you don't know nothing about his malady." Umiiyak paring sabi saakin ni mommy. Tumango ako at niyakap sya. "Chisser please bring back camniah here, do everything for her forgiveness. Promise me son just for the sake of your dad, please?" Nag susumamo bulong ni mommy.

"Okay mom, i try my very best to bring her back and ask for her forgiveness."

Kumalas si mommy ng pagkakayakap sakin saka ngumiti ngunit ang kanyang ngiti ay taliwas sa dati niyang masiyahin na mga mata. "Thank you son!"

Mas lalo akong na guilty. "Alam po ba ni daddy na wala na si go-- camniah?"
Umiling si mommy saka ngumiti. "Nagpapahinga na ang daddy mo ng umalis si camniah. Anak i trust you, i know you can fix it."

"Mommy! Where are you??? I'm home!!!" Yaxha rant. Nag punas agad ng luha si mommy at inayos ang kanyang buhok bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.

Nang maka labas na si mommy, pakiramdam ko para akong nasa isang malaking kwarto na kasing laki ng palasyo na walang mga gamit. Marahil ay di na ko sanay na mag-isa dito sa aking kwarto.

~~~

"Bakit kasi pinapatulan mo yung si puto??? Alam mo namang kulang sa aruga yun." Naka tayo si yvone sa harapan ko habang naka pameywang.

Tumigil ako sa pag aayos ng aking gamit saka nilingon siya. "Bawal na ba kong bumalik dito kaya ganyan ka?" Nag iwas ako ng tingin saka pinagpa tuloy ang pag aayos ng gamit upang mailagay sa aparador.
"Alam mo nahahawa ka na kay puto! Tampurista!!! Ang lakas talaga maka hawa ng ugok na yun!"

Kumunot ang noo ko sakanya. "Ano bang pinag sasasabi mo riyan? Tulungan mo nalang akong mag ayos ng mga gamit ko."

Nag buntong-hininga ito saka lumapit sakin at akmang uupo na ng biglang may nag doorbell.

"May inaasahan ka bang bisita ngayon?."
Tanong ko ng hindi tumitingin sakanya.

"Wala naman, wait lang ha? Titignan ko lang kung sino."

Tumango lang ako sakanya at inabala na ang aking sarili sa pag titiklop ng mga damit. Natigil nalang ako ng maalala ko ang mga binitawang salita saakin ni puto. Napailing-iling na lamang ako at bumalik saaking ala-ala ang mga pinag daanan ko sa tuwing may masamang mangyayari kay puto at magkakaroon ito ng pasa, galos at kung anu-ano pa na manggagaling sa mga nakalaban ko dahil sakanya. Sa tuwing nahuhuli akong dumating para iligtas sya sa kamay ng kung sino mang gustong pumatay sakanya, pinag sisisihan ko iyon. Dahil nasa ilalim sya ng pangangalaga ko, kung ano mang sapitin niya sa kamay ng mga taong iyon doble ang balik sakin.

Kung nagkaroon siya ng pasa, galos, sugat, saksak at kung anu-ano pang galing sa kalaban at nasa ilalim sya ng pangangalaga ko, doble ang binabalik saakin ng mga taga litis. Kung nagtamo si puto ng isang hampas sa likod, gamit ang tubong bakal, dalawang hampas ang aanihin ko.
Iyon ay isa lamang sa mga batas na aking sinumpaan sa aming bansa. Ang sino mang hindi maka gawa ng tama sakanyang tungkulin, may dobleng balik parusa na nag hihintay sakanya.

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon