Kabanata 24

317 7 6
                                    

Date

Umuwi na ako sa bahay at di na tinapos ang programa sa eskwelahan. Sa sobrang busy ni gori nakalimutan nyang kailangan nya kong bantayan.

Mabuti na lamang, ligtas akong nakauwi sa bahay. Nadatnan kong maraming ginagawa ang aming mga kasambahay. Mukhang may handaan.

"Manang." Lumabas ang mayordoma namin at hinarap ako.


"Nariyan ka na pala hijo! Naku nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin? Tapos na ba ang program sa eskwelahan?" Sunod-sunod na tanong nito at may kung anong tinanaw sa aking likuran.


"Ano po bang meron manang? Na una na kong umuwi dahil abala pa sila."


"Naku! Nagpapahanda ng pang salu-salo ang lolo mo. Nanalo raw si camniah!" maligayang balita saakin ni manang celia.



"Sige manang mag bibihis po muna ko." Ngumiti lamang si manang celia sakin bago ako tuluyang umakyat sa taas.



Naligo ako at nag bihis para sa salu-salo mamaya pagkatapos ay ginawa ko ang mga takdang aralin na di ko pa nagagawa upang wala na kong isipin pa.

Maya-maya ay tinawag na ako ni manang celia para bumaba sakto namang tapos na ko sa aking gawain.



"Pinatatawag ka na ng mommy mo."



"Sige po manang susunod na po ako."



"Sige hijo."



Niligpit ko ang aking mga gamit aaka tuluyan ng bumaba. Nasa garden na silang lahat at doon magtitipon-tipon.

Nang makarating ako doon ay sinalubong ako ni mommy. "Masama ba pakiramdam mo? Hinahanap kita kanina sa school."


"Hindi po mommy, nauna lang po ako para makaligo na agad. Init na init na po kasi ako kanina." Paliwanag ko. Tumango lamang si mommy at ngumiti bago ako pinakilala sa lalaking nakita ko kanina sa auditorium.



"Ksuss Fuerte this is my son chisser. Chisser this is Ksuss Fuerte the father of your fiancé and carly." Nag bigay galang ako rito at ganon din ang ginawa nito. Kaya pala parang pamilyar ang kaniyang mukha. Kamukha niya si gori. (Pagsasalin: Ksuss Means King) Nag bigay galang din ako kila prathan bago tuluyang maupo.



Si gori ay naka bihis na ng dati niyang pormahan ngunit bakas parin sakanyang mukha ang koloreteng nilagay sakanya ni wangwang.



"May petsa na muli ang inyong kasal." Simula ng prathan. "Sa susunod na buwan na iyon, kung wala ng magiging problema." Sa pagkakataong iyon di ko maiwasang magalak. Pinapaburan ako ni tadhana kahit sinaktan ako kanina.



"Kung ganoon double celebration pala ito." Natutuwang sabi ng chaiman bu.


"Ganoon na nga!" pumapalakpak pang sang-ayon ni mommy.


"Ang nanay ng mga bata fuerte, ano ng balita?" Napakunot ang noo ko. Sa tinagal-tagal na nga di ko pa nakikita ang nanay nila gori.



"Lo ako na pong bahala doon. Marahil hindi ito ang tamang oras para pag usapan ito." Singit ni carly sa usapan. Napatango-tango naman ang prathan at ang tatay nila.


"Nga pala chisser." Baling saakin ng tatay ni camniah.



"Yes po tito?"



"Uuwi na dito si franz bukas. Dito na ulit sya titira." Lumiwanag ang gabi ko sa sinabi ni tito fuerte. Kala ko nga sumikat agad ang araw. "Saka papa nalang ang itawag mo sakin." Ngumiti ito at uminom ng tubig. Hayyyy mas nagliwanag ang gabi ko.



Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon