Kabanata 18

708 14 7
                                    

Chisser's POV

"Tss! Pwede ka nang dumilat." Awtomatiko akong napadilat. Naka ngisi siya saakin ng nakakaloko bago pumasok ng banyo.

Psh! Pesteng babae yun! Anong akala nya ang ganda nya??

Bakit naman kasi pumikit pa ko? Ano bang nangyayari sayo chisser sa tuwing lumalapit sya! Grrrr! Bulong ko sa sarili ko.

"Oh anong nangyayari sayo? Sinong kausap mo? ."Blangko muli ang mukha ni gori ng lumabas siya ng banyo.

"Ewan ko sayo abnormal ka!". Sigaw ko sakanya tsaka nag martsa papuntang banyo para mag toothbrush.

Nang lumabas ako sa banyo naabutan kong natutulog na si gori sa kama ko.

"Tsk! Hanggang kailan ba ko paparusahan ng ganito!!!". Sigaw ko tsaka lumapit sa kama. Nilagyan ko ng maraming unan ang pagitan namin bago humiga at natulog.

Kinabukasan maaga akong nagising sa ingay ni mommy. Bumangon ako at nakitang parang tanga si mommy sa pag sasalita dahil mukhang hindi naman interesado ang kausap niya.

"Mom mapapagod ka lang kakasalita diyan. Wala kang mapapala sa taong yan." Singit ko sa pag sasalita ni mommy, nilingon ako ni mommy samantalang ang kanyang kausap na si gori ay patuloy parin sa pag aayos ng kanyang gamit sa eskwela.

"Good morning baby bubut!". Bati sakin ni mommy. "Ang aga aga naka nguso ka nanaman."

"Stop calling me baby bubut mom." Reklamk ko rito.

"Why?? Cute naman ah. Tsaka kahit malapit ka nang magka asawa ikaw parin ang baby bubut ko." Niyakap nya ako na parang maluluha pa.

Napailing nalang ako tsaka pumasok sa banyo para maka ligo na.

Malapit na ang kasal, paano ko pipigilan?? Mapapahamak ang pamilya ko kapag hindi ako tumupad sa pangako.

Hanggang matapos akong maligo ay dala dala ko ang isiping iyon.

"Oh? Tapos ka na kumain?". Tanong saakin ni daddy ng tumayo na ako.

"Yes dad. Kailangan ko din pumasok ng maaga." Hinalikan ko si mommy sa noo tsaka tuluyang nag paalam sakanila.

Tumayo narin si gori at nag paalam. Nang makalabas kami ng pinto ay hinarap ko si gori.

"Pag nasa school na tayo pwede bang wag kang lumapit lapit sakin?! Nakaka asiwa ka eh." Sabi ko rito. Hindi naman nag abalang tumingin man lang saakin, tuloy tuloy itong sumakay sa motor niya at isinoot ang helmet.

Ang lakas talaga ng topak nito. Nilapitan ko ito tsaka kinatok ang helmet nito na suot suot.

"Hoy!" Sigaw ko pa rito. Hinubad nito ang helmet tsaka tumitig sakin na parang hinahalukay ang kaluluwa ko. Nag iwas ako ng tingin sakanya. "Wag ka ngang tumingin ng ganyan sakin. Alam ko gwapo ako pero di mo na kailangan titigan ako ng ganyan." Halos pumiyok na ko sa pag kakaasiwa.

"Tss... Ang kapal talaga ng mukha mo." Sumimangot ako tsaka tinignan siya. Umiling ito at isusuot muli ang helmet niya.

"Hoy!" Sigaw ko sakanya at pinigilang isuot muli ang helmet niya.

"Tss... Ano ba?". Walang ka gana gana nitong sabi.

"Hindi mo ba narinig yung sinabi ko??"

"Tss... Narinig ko hindi ako bingi." Sagot nito saakin.

"Eh bakit kasi di ka sumasagot?! Para ka talagang abnormal eh!" Singhal ko sakanya

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon