Kabanata 15

739 17 2
                                    

Camniah's POV

Nagising na lamang ako sa ingay ng tawanan na nanggagaling sa baba.

Kinuha ko ang tubig na nasa ibabaw ng mesa tsaka ko ito nilaghok lahat.

Bumaba ako para tignan kung sino ang kausap at katawanan ni yvone sa baba.

Hi good morning baby! Masayang salubong sakin ni carly tsaka ako hinalikan sa noo.

Anong ginagawa mo rito? Tanong ko rito tsaka dumulog sa mesa.

Wala man lang ba akong good morning jan? Kunway nguso nito tsaka sumandok ng kanin para saakin.

Salamat. Anas ko rito ng iabot nya saakin ang platong may kanin at hamon, nilagyan nya rin ito ng hotdog at maraming ketchup. Alam niyang mahilig ako sa ketchup pag pinirito ang ulam. So ano nga ang ginagawa mo rito?

Pinapunta ako rito ng prathan. Dagli akong natigilan sa pag subo dahilan para magka tinginan kami ni yvone na ipinagkibit balikat nito.

Bakit daw? Tanong ko sa sumusubong si carly.

Hindi ko alam. Kibit balikat nito.

Anong oras daw ba? Tanong ko ulit rito.

Mamaya pagka tapos ng klase nyo. Ititext nalang kita for more instructions. Ngiti nito saakin.

Hindi ko ginagamit ang teleponong binigay mo saakin. Itinuon ko ang paningin ko sa pagkain tsaka sumubo.

Bakit? Ayaw mo ba nun? Bibilan kita ng mas latest ngayon.

Alam mong hindi ako mahilig sa materyal na bagay. Ismid ko rito.

Ang taray! Ikaw na nga ang binibilan ng mamahaling cellphone ayaw mo pa?! Maingay na sabat ni yvone habang kumukumpas pa ang kamay sa ere.

Inismiran ko lamang ito kaya minabuti niyang itikom na lamang ang bibig.

Anyways! you have to bring your phone with you baby, Sa ayaw at sa gusto mo. Tumataas taas pa ang dalawang kilay nito.

Tinapos ko agad ang pagkain ko tsaka tumayo at tinalikuran silang dalawa. Umakyat na ko sa silid ko para maligo at mag asikaso na papasok.

Matapos kong mag handa sa pag pasok sa unibersidad ay bumaba na ako.

Tara na! Masayang aya ni yvone saakin tsaka naunang lumabas ng bahay, kaya naman sumunod na ako rito.

Asan si carly? Tanong ko sa pasakay nang si yvone sa kotse. Ngumiti ito ng malaki tsaka lumapit sakin.

Uy!!!!! Hinahanap nya. Sundot nya sa tagiliran ko, agad naman akong umiwas rito at inambaan sya ng kamao ko.

Ngumunguso itong lumayo saakin tsaka bumalik sa pinto ng sasakyan niya.

Asan na si carly kako. Tanong ko ulit rito tsaka sinuksok ang susi kay puma.

Umalis na! nauna na sa school! Singhal nito tsaka padabog na isinara ang pinto ng kotse nya.

Napailing na lamang ako rito tsaka ko sinuot ang helmet at paharurot na pinaandar si puma.

Nakisama ngayon ang kalsada kaya naman maaga akong nakarating sa eskwelahan dahil walang traffic.

Pinark ko ng maayos si puma tsaka ko hinubad ang aking helmet.

Gori!

Camniah!

Nilingon ko ang dalawang boses na tumawag sakin.
Nakita kong nakasandal si puto sa kanyang black matte Lamborghini habang naka halukipkip, samantalang si dayvior naman ay naka pamulsang nag lalakad papalapit saakin.

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon