Kabanata 17

733 18 11
                                    

Chisser's POV

Pagka sarado ng pinto ni mommy ay tinignan ko ng masama si gori na ipinag kibit balikat lang nito nang naka ngisi.

Kababaeng mong tao parang ikaw pa yung lalake kung umasta satin! Asik ko sakanya.

Ipinagpa tuloy nya lang ang pag aayos ng kanyang mga gamit.

Umupo ako sa kama at humalukipkip habang pinag mamasdan sya mag ayos.

Staring is rude you know. Napa kurap ako at nag iwas ng tingin sakanya.

Erm.. Ubo ko nilingon naman ako nito. Bakit ka pumayag? Naiilang kong tanong dito.

Wala naman akong choice eh. Kibit balikat nito tsaka pinatong sa kama ang isang maliit na kahon.

Hahawakan ko sana ngunit agad niyang kinuha ito at itinago.

Kalalake mong tao tsismoso ka. Sabi nito sakin tsaka tumayo at dumiretcho sa walk-in closet.

Nakita kong tinago niya ang maliit na kahon sa ilalim ng mga damit niya bago kumuha ng damit at dumiretcho sa banyo.

Na cu'curious tuloy ako kung anong laman ng maliit na kahon na iyon.

Ipinag kibit balikat ko nalang iyon at bumaba na para mag dinner.

Baby bubut where's niah? Tanong sakin ni mommy nang malaki ang ngiti sa labi.

Naligo ata mom. Sagot ko tsaka hinila ang upuan na nasa ilalim ng mesa.

Okay we'll wait for her before we start. Sabi ni mommy tsaka tumalikod at nag punta sa kusina.

Narinig ko ang yabag na pababa sa hagdan. Hindi ko na ito nilingon dahil alam kong si gori lang iyon.

Lumabas si mommy sa kusina kasama si daddy na naka ngiti.

Oh there you are niah! Come let's eat! Tuwang tuwang sabi ni mommy tsaka hinila si gori at inupo sa tabi ko.

Naka malaki itong T-shirt at malaking jersey short. Ang baduy talaga.

Amoy na amoy ko ang pamilyar na shower gel na gamit niya.

Tinignan ko siya ng masama at mukhang naramdaman niya ang titig ko kaya lumingon ito saakin ng naka kunot ang noo.

Hey! Why did you use my favorite shower gel! You ape! Gigil kong sita sakanya.

Chisser! Watch your mouth! Sigaw din sakin ni daddy na ikina yuko ng ulo ko. it's just a shower gel for Pete's sake chisser! Ibibili kita ng marami nun. Iiling iling na sabi ni daddy sakin.

Humigpit ang hawak ko sa kubyertos at nilingong muli si gori na naka tingin parin sakin.

What?! Gigil ko paring bulong sakanya.

It's my shower gel. Hindi lang ikaw ang may shower gel na COCO MADEMOISELLE ng chanel.

Literal na nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. So pareho kami ng shower gel?! Hindi pwede!! Ayokong magka amoy kami, hindi naman pwedeng magpalit ako ng shower gel. Paborito ko kaya yun!

Staring is rude you know? Sabi nito tsaka ako nilingon.

Tumikhim ako at nag iwas ng tingin sakanya.

Madali kong tinapos ang hapunan para maka akyat na sa kwarto ko.

Nang matapos ko ang pagkain ko at tumayo sa hapag ay tinawag akong muli ni daddy.

Chisser son please be good to your fiancee. Naka ngiting anas sakin ni daddy. Napa kunot ang noo ko sakanya dahil di ko malaman kung anong pinupunto ni dad. Magkasama kayo sa kwarto diba? Baka naman patulugin mo siya sa lapag. Paalala sakin ni dad at tinapunan ng tingin ang walang pakialam na si gori. Magana itong kumakain at hindi pinapansin ang paligid niya.

Psh! Ang takaw! Ang payat payat naman. Nilingon kong muli si dad. So ako po ang matutulog sa lapag? Ngumisi ito saakin.

Oo or sa sofa pwede rin na magtabi kayo. I don't think she'll don't mind it.

Dad!! Tutol ko sakanya.

Why?? Natatawang sabi ni dad tsaka ito bumaling kay gori. Camniah hija you don't mind it right?

Lumingon ito sa amin at nilunok ang pagkain niyang nginunguya.

Yes tito. Tipid nitong sagot na blangko ang mukha.
Ininom nito ang tubig at tumayo narin.

Daddy or dad nalang niah. Anas ni daddy na lalong nakapag pa ngiti kay mommy.

Sige na mag pahinga na kayong dalawa! Pumapalakpak si mommy habang tinutulak kaming dalawa paakyat sa hagdan. Enjoy your night babies!

Napa iling na lang ako sa mga magulang ko.

Nauna akong pumasok sa kwarto at sumunod si gori.

Dumiretcho ako sa banyo at ganun din siya. Tumigil ako sa pag lalakad kaya nauntog siya sa likuran ko.

Napa pikit ako ng mariin bago siya hinarap.

Bakit mo ba ko sinusundan?! Sigaw ko rito.

Itinabingi niya ang kanyang ulo muli at humalukipkip.

Naglakad ito palapit sakin kaya napaatras ako. A-anong g-gagawin mo?! Nauutal kong tanong sakanya.

Lumitaw sa kanyang labi ang ngising laging nakapag papatulala saakin. Sobrang lapit niya saakin kaya naman napa pikit ako at hinintay ang susunod niyang gagawin.

Short update! Busy eh. Para to kay papa Dayvior sa sept 23 😍

Itutuloy...
💋💋💋

Born To Slay A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon