Third POV
May isang dalaga na nakatira sa pinakadulong parte ng Pangasinan. Simpleng babae na nangangarap na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya at ito ay si Zailyn Garcia, labing anim na taong gulang at nag-iisang anak ng pamilya Garcia. Malayo ang nilalakaran nito kapag pumapasok siya dahil sa kabilang bayan pa ang kanyang paaralan pero ngayon ay bakasyon kaya tinutulungan na lang niya ang kanyang ina sa gawaing bahay.
"Linlin, apan ka man agala ti danom na paglabak, (Kuha ka nga ng tubig na gagamitin ko sa paglaba)" Utos sa kanya ng kanyang ina na nasa labas lamang na nagwawalis.
"Wen mang. (Oo mama) " Sunod nito sa utos ng kanyang ina kaya nagmadali siyang iniligpit ang nahugasan niyang pinagkainan nila.
Kinuha niya ang dalawang timbang malalaki at dali-daling pumunta sa kapitbahay nilang may balon. Maputik ang daanan dahil katatapos lang umulan kaya nagpaa na lang siya. Naabutan niya ang ante niyang naglalaba sa tabi ng balon kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras na magpaalam dito.
"Ante, makisatdo ak man. (Makikiigib nga po ako.)" Paalam niya sa tita niyang may-ari ng balon.
"Sige, agsatdo kan Linlin. (Mag-igib ka na.)" Pagsang-ayon sa kanya ng tita niya.
Kaya kinuha niya ang timbang may kahoy sa dulo sa tali nito na nakakunekta sa balon na siyang ginagamit sa pagkuha ng tubig, at dahan-dahang ibinaba para malagyan ito ng tubig.
"Kasano ti panagadal mo?(Kamusta ang pag-aaral mo?) "Tanong sa kanya ng tita niya.
"Ayos met latta ante ti asi ti Apo, (Ayos naman po ante sa awa ng Diyos.) "Buntong hininga ni Zailyn.
"Apay kasla ka met napaay? (Bakit parang malungkot ka naman?)" Tanong sa kanya ng tita niya.
"Ta gamin ante ket pinirme ak maud-udi jay klase, (Kasi po ante ay lagi akong nahuhuli sa klase.)" Paliwanag nito. "Sige ante, apanakon. (Punta na ako.)" Paalam niya nang mapuno na ng tubig ang dalawang timba nito.
Hindi na niya hinintay magsalita ang tita niya nang napagdesisyunan na nitong bumalik sa bahay nila.
Tahimik lang siyang naglalakad pabalik sa bahay nila nang makarinig siya ng isang hindi pamilyar na boses na kausap ang kanyang ina.
"Kamusta ka na kapatid? Mukhang nangayat ka ah," Usal ng hindi kilalang babae.
Laking pagtataka ni Zailyn nang marinig ang katagang kapatid nito pero hindi niya din maiwasan matuwa kasi makikilala na niya ang ante nito.
"Ito ayos lang naman," Maayos na pakikipag-usap ng kanyang ina pero halata ang lungkot sa paraan ng pananalita nito.
Maputi ito na may balingkinitang katawan. Kung titignan ay kasing puti ng kamas ang nahuhukay ni Zailyn kaya ganoon na lamang ang pagmamadali niyang lumapit dito sa pag-aakalang artista ito. Makikita din dito ang disenting pananamit ng babae, napakalinis tignan, at napakabango nito kahit malayo pa si Zailyn sa kinaruruonan nila ay naaamoy na niya ang pabango nito.
"Mang, sinno ayta? (Mama, sino siya?)" pagtaas niya ng boses para mapansin nila siya.
Agad napalingon ang kanyang ina at ang babae sa gawi niya. Kita niya ang babaeng may katandaan na din ang itsura kasya sa ina niya dahil halatang napangalagaan ang itsura nito habang ang ina naman niya ay medyo puti ang buhok at kulubot na ang mukha. Magkamukha sila ng kanyang ina dahil sa pagkakaparehas ng labi at mata. Nagliwanag ang mukha ng babae nang makita si Zailyn at dali-dali itong lumapit sa kinaruruonan niya. Pero ang kanyang ina ay tila nagulat nang makita si Zailyn.
BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
RomanceNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...