Zailyn's POV
"Zailyn, gising ka na. Nandito na tayo sa Manila, "Usal ni ante Agnis kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mata.Napansin ko na nasa loob pa ako ng bus.
"Sige po, "Usal ko sabay hikab at kusot na mata.
"Baba na tayo," usal ni ante, kaya sumunod na lang ako pababa sa bus. Laking-mangha ko sa mga nakikita kong nagtataasang gusaling nakapaligid sa amin, pati mga artista kung saan-saan naglalakad.
"Artista po ba lahat ng iyan?" turo ko sa mga taong naglalakad.
"Hindi Zailyn, simpleng tao lang ang mga iyan na namumuhay dito sa Manila," natatawang usal ni ante.
"Sayang, magpapa-autograph pa sana ako," malungkot kong usal, pero pinagtawanan lang ako ni ante.
"Ano pong nakakatawa, ante?" inis kong tanong.
"Wala, wala," kaila niya. "Tara na," yaya niya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay para akayin ako. Pumara siya ng sasakyang may "taxi" sa taas ng bubong nito. Bumaba ang driver, ipinasok niya sa likuran ng sasakyan ang gamit namin, at naupo na kami sa likuran.
Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at pinagmamasdan ang mga naglalakihang gusali na nadadaanan namin. Ilang minuto ay huminto na ang sasakyan at bumaba kami. Tumambad sa amin ang napakagandang mansyon. Solong puti ang kulay ng mansyon at ang bintana dito ay salamin na pwedeng gamiting pagsalamin. Pagpasok namin ay napakaganda ang hardin na bumagay sa iba't-ibang kulay ng bulaklak at istatwa na pato.
"Pasok tayo," natinag ako nang tawagin ako ni ante na nasa tapat ng malaking pintuan at dali-dali akong lumapit sa kanya. Unti-unting bumukas ang pintuan at tumambad sa amin ang naparaming tao na may pare-parehong damit.
"Good afternoon, young mistress," sabay-sabay nilang yuko sa harapan namin. Pero dahil sa sadyang suplada ako ay inirapan ko lang sila. Feeling ko tuloy ang yaman ko.
"Tara pasok ka, young mistress," akay sakin ni ante, kaya sumunod ako.
"Bakit niyo po ako tinatawag na young mistress?" asar kong tanong.
"Malalaman mo mamaya," kindat nito sa akin. Nagsimula na itong naglalakad papasok kaya sumunod na lang din ako.
Tumingin ako sa mga sulok ng mansyon na ito at gayon na lamang ang mangha ko sa perpektong disenyo sa paligid. Ang tema nito ay puti at itim at pati mga litrato ay gayon din. Malinis ang paligid at napakabango. Sa gitna nito ay may napakalaking hagdan na tingin ko ay papunta sa mga kwarto.
"'Yang laway mo," naigtad ako nang nagsalita sa tabi ko ang ante ko.Hindi ko namalayang tumulo na pala ang laway ko kaya agad ko itong pinunasan gamit ang damit ko.
Humarap kami sa isang matandang babae na kakaibang desinyo ang damit na kaparehas sa damit ng mga tumawag sa aking young master.
"Nandiyan ba si Madam Daisy?" Tanong ni Ante Agnis.
"Oo, akin lang tatawagin," Usal niya at pumunta sa second floor.
Pagkaraan ng ilang sandali ay may babae na dali-daling bumaba ng hagdan. Napakaganda niya kahit medyo may edad na din at masasabi kong siya ang may-ari ng mansion. Ngunit pagtingin ko sa mukha niya ay tipong naiiyak siya. Dali-dali siyang lumapit sakin at laging gulat ko nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"Sa wakas nandito ka na.Matagal kitang hinanap at sa wakas nasa piling na kita. Hinding-hindi ka na mawawala sa tabi ko." Usal niya ito na tila umiiyak at mamaya sandali a nakaramdam akong basa na ang damit ko.
BINABASA MO ANG
The Rich Promdi
RomanceNABUHAY SA MAHIRAP NA PAMILYA PERO BIGLANG NAGBAGO ANG LAHAT NG HINDI INAASAHANG PAGKAKATAON SIMULA NANG UMALIS SIYA SA PROBINSYA AT NAMUHAY SA MAYNILA. PAANO SIYA MABUBUHAY SA MUNDONG MARAMING BAGAY NA NAPAPANUOD NIYA LANG PERO NGAYON AY MISMO NANG...